NAGHIHINAYANG si MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion dahil nawala ang P400,000 weekly payola niya. Matapos ang halos isang buwan na ligaya, biglang naglaho ang kapustahan ni Asuncion, kaya’t goodbye na rin sa P400,000 weekly na parating ng opisina n’ya. Pera na naging bato pa, di ba mga kosa? Ang problema sa ngayon ni Asuncion ay kung paano niya maibabalik ang dating sigla ng mga pasugalan na ipinasara niya dahil sa “no take policy” subalit sa katotohanan ay para pagbigyan ang kapustahan niya. Kaya gutom sa ngayon ang mga Station at PCP commanders sa MPD at ang opisina ni Asuncion ay titigok-tigok na rin. Inayawan ni Asuncion ang P250,000 weekly ng Tuliao brothers at ang kapalit ay ang panandaliang ligaya sa P400,000. Hehehe! Naghangad kasi ng kagitna, di ba mga kosa?
Ang matapang lang na magbukas ng puwesto matapos lumisan ang kapustahan ni Asuncion ay si video karera Queen na si Gina Gutierrez. Maraming pulis kasing nakapaligid kay Gutierrez kaya maaring mahirapan si Asuncion na gibain ng mga makina nila. Ang ilang tiwaling pulis kasi na may negosyo ring video karera ay naka-umbrella din kay Gutierrez at isa na rito ay si Mike Pornillos, anang mga kosa ko. Ilang ulit ko na bang sinabi ang pasugalan kaya hindi nahihinto kahit may “no take” policy pa si DILG Sec. Mar Roxas ay dahil mga pulis mismo ang financiers tulad ni SPO3 Gener “Paknoy” Presnedi, di ba mga kosa? Kaya imbes na umangat ang imahe ng PNP dahil sa sunod-sunod nilang accomplishments, hinahatak ito pababa ng mga tiwaling pulis na financier ng mga pasugalan. Kailan pa kaya kikilos si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima para tuldukan ang problemang ito? Hehehe! Ang tagal naman! Mismo!
Dahan-dahan namang nagbukasan ang mga pasugalan sa Maynila at karamihan sa financiers ay gerilya muna ang operation dahil sa wala pang go signal ang Tuliao brothers. Maging ang mga station at PCP commanders ay takot na payagang magbukas ang financiers dahil baka abutin sila ng malas, di ba mga kosa? Ang katanungan lang, lulunukin kaya ni Asuncion ang pride kapalit ang pitsa ng gambling lords? Hehehe! Sa susunod na mga araw ang kasagutan mga kosa!
Pero sa totoo lang, binabanggit ng financiers na patago ang pagbigay nila ng lingguhang intelihensiya sa national at local na mga operating units ng PNP dahil lahat ay ayaw bumaho ang opisina nila. Maliban na lang sa opisina ni ret. Gen. Roberto Calinisan sa City Hall ng Maynila na talagang hayagang umiikot ang mga bataan niya. Kung may hiya ang PNP units, siyempre ibahin itong si Calinisan dahil retarded…este retired na siya, di ba mga kosa? Dati-rati’y P500,000 ang laman kada linggo nitong MPD subalit naging P250,000 sa panahon ng Tuliao brothers. Imbes na lumaki ang take home pay niya, mukhang matagal pa bago maiangat ng Tuliao brothers itong parating kay Asuncion ah, di ba mga kosa? Abangan!