^

Punto Mo

Totoo kaya?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MULA sa India ang mga sumusunod na pamahiin tungko­l sa pagkain:

1. Huwag kakain ng mani habang nanonood ng play or karera ng kotse. Ang legumes ay nagdudulot ng kamalasan sa mga performers at car racers. Ang mani ay hindi nuts kundi legumes.

2. Kung hihiwain mo ang mansanas na napili mong kainin, bilangin mo kung ilan ang kanilang buto. Iyon ang magiging bilang ng iyong anak.

3. Nakakapagpalayas ng masamang espiritu ang sibuyas na pinalibutan ng nakatusok na aspile at idinispley sa bintana ng  bahay.

4. Hindi dapat hinihiwa ng kutsilyo ang saging dahil nagdudulot ng kamalasan.

5. Maiiwan ka ng sasakyan (eroplano, barko o tren) kung gumamit ka ng chopstick na hindi magkapareho ng size.

6. Ang lemon or lime at sili ay magkasamang tinatalian at isinasabit sa bahay, tindahan at sasakyan upang mapalayas ang masamang espiritu. Kapag may nakitang nakakalat sa kalsada na lime at sili na nakatali na maaaring nalaglag mula sa sasakyan, huwag itong tatapakan. Baka ikaw ang malasin.

7. Ang puno ng sampalok ay gustung-gustong pamahayan ng masasamang espiritu. Huwag matulog sa ilalim ng punong ito.

8. Pagkalipat sa bagong bahay, mainam na magpakulo ng gatas. Kapag umawas sa kaldero ang gatas, ito ay pangitain na uunlad ang kabuhayan ng pamilya.

9. Kapag humihingi ng asin ang kaibigan para pagsawsawan ng prutas, huwag mo itong ibibigay diretso sa palad, magre­resulta ito ng pag-aaway ninyong dalawa. Ilagay ang asin sa pinggan at saka ibigay sa kanya.

10. Kapag may nanghihingi sa iyo ng asukal sa gabi, kinabukasan na ng umaga mo ito ibigay. Kagipitan sa pera ang ibinubunga ng pagbibigay ng asukal sa gabi.

11. Ang pagkain ng papaya o pinya habang nagbubuntis ay nagdudulot ng abortion.

12. Sinisimbolo ng itlog ang fertility. Kaya ang mga magsasaka ay naglalagay ng hilaw na itlog sa kanilang pa­nanim upang maging ma­sagana ang kanilang ani.

13. Simbolo ng pera ang bula sa tinimplang kape. Dapat mo itong higupin para datnan ka ng maraming pera.

Source: ph.she.yahoo.com

vuukle comment

DAPAT

HUWAG

ILAGAY

IYON

KAGIPITAN

KAPAG

KAYA

MAIIWAN

NAKAKAPAGPALAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with