^

Punto Mo

Uok (199)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAHIT daw P5,000 isang Uokcoco, babayaran nila. Kukunin daw nila lahat. Kailangang-kailangan daw sa kanilang plantation sa San Pablo,” sabi ni Tiyo Iluminado.

“Huwag tayong puma-yag, Tiyo. Baka maubos ang mga Uokcoco ay kawawa naman ang mga maliliit na magsasaka ng niyog. Baka maubusan ang mga mahihirap ay wala na silang pagkakitaan dahil nasira ang kanilang niyugan.”

“Pero mabilis namang magparami, Drew. Mga tatlong araw lang ay marami na namang Uokcoco.’’

“Kahit na po Tiyo. Hindi pa natin nalalaman kung hanggang saan ang buhay nito. Baka bigla na lang ay mawala ang mga ito o kaya ay magkaroon ng problema sa pagbi-breed. Sabihin mo po sa kanila, hindi natin ipapapakyaw. Bawat isang tao, isang pares lang ng Uokcoco ang mabibili.’’

“Sige Drew, sasabihin ko sa kanila.’’

Umalis si Tiyo Iluminado at nagtungo sa mga bibili ng Uokcoco.

“Tama ang ginawa mo, Drew. Kawawa naman  ang mga small coco farmers kapag naubusan. Dapat sila ang unahin na bigyan ng Uokcoco.’’

“Iyan naman kasi ang aking unang naisip nang matuklasan ang Uokcoco. Mga mahihirap ang unahin at huwag pagmahalan. Yung mga mayayaman, marami silang magagawa. Marami kasi silang pera.”

“Tama ka Drew.’’

“Kapag natulungan natin ang mga mahihirap na magniniyog at naisalba ang kanilang taniman, para na ring nakapagligtas ng buhay.’’

“Saludo ako sa’yo Drew.’’

“Halika sa breeding room at tingnan natin ang mga bagong Uokcoco.’’

Nagtungo sila sa breeding room at ininspeksiyon ang mga Uokcoco.

Hanggang sa may napansin si Drew sa isang container.

“Gab halika tingnan    mo ito. Kakaiba ito!”

Lumapit si Gab.

(Itutuloy)

BAWAT

DAPAT

DREW

SAN PABLO

TAMA

TIYO

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with