Sa isang pag-aaral ng mga dalubhasa sa Dublin, Ireland na isinagawa mula 1997 hanggang 2000, lumilitaw umano na sa sinapupunan pa lamang ay sakit na ng ulo ng mga babae ang kalalakihan. Mas malaki kasi at mas mabigat ang mga ipinapanganak na sanggol na lalaki kaysa sa babae. Mas matagal ang panganganak ng isang ina at kinakailangan ang mas maraming fetal blood sample at hormone stimulation kapag lalaki ang sanggol na kanyang isisilang.
• • • • • •
Sa isang laboratoryo naman sa University of California San Francisco (US), nagawa raw ng isang grupo ng mga scientist dito na magamot ang isang lalaking langaw na baog. Ininiksyunan nila sa naturang langaw ang isang key gene na tinatawag na BOULE at siyang kinakailangan para makontrol ang meiosis (ang paghahati ng sperm at egg cells). Meron din daw na kahalintulad na BOULE ang katawan ng tao kaya posibleng, kung mapapaunlad pa ang experimento, matuklasan ang tamang gamot para sa mga baog.
• • • • • •
Gaano na katanda ang Milky Way na kinaroroonan ng ating Daigdig? Umaabot na ito sa 13,600 milyong taong-gulang, ayon sa bagong pananaliksik ng isang grupo ng mga astronomer na tumatrabaho sa Very Large Telescope sa Chile. Ginamit nilang sukatan dito ang elementong beryllium na taglay ng dalawa sa mga matatandang bituin sa kalawakan na tinatawag na A0228 at a2111 at matatagpuan sa tinatawag na globular cluster NGC 6397. Paparami raw nang paparami ang beryllium na tinataglay ng isang bituin habang tumatanda ito kaya puwede rin itong gamitin sa pagsukat sa edad ng galaxy.
• • • • • •
Isang research team sa Georgia State University sa Atlanta (USA) ang nagsabi na maaaring maturuang magsalita ang mga unggoy kung lumalaki itong kahalubilo ng tao. Inihayag nila ang kanilang hinala dahil sa kanilang obserbasyon sa inaalagaan nilang unggoy na pinangalanang Kanzi. Napapansin nilang nagagaya ni Kanzi ang pagbigkas ng mga salitang banana, grapes, juice at yes. Hindi daw nila tinuruan si Kanzi. Kusa raw iyong pinag-aralan ng unggoy,