3 Mexicans, nakaligtas matapos ma-stranded ng siyam na buwan sa Pacific Ocean

MARAMING bagyo ang namumuo sa Pacific Ocean. Narito rin ang mga mababa­ngis na pating. Kaya masasabing himala kapag nakaligtas ang mga mapapadpad at mai-stranded dito.

Ganito ang nangyari sa tatlong mangingisdang Mexicans. Nawalan ng gasolina ang kanilang bangka at na-stranded sila sa Pacific Ocean sa loob ng siyam na buwan.

Ang tatlong Mexicans na himalang nakaligtas sa bagsik ng Pacific Ocean ay sina Jesus Vidaña, Lucio Rendon at Salvador Ordóñez. Ang tatlo ay naglayag mula sa Mexico upang manghuli ng mga pating. Sakay sila nang malaking bangka ngunit naubusan ng gasolina habang nasa laot.

Nabuhay ang tatlo ng siyam na buwan sa laot sa pamamagitan ng pagkain ng mga isda at lamandagat. Noong una, hindi nila alam kung maililigtas pa sila dahil tinatangay lang nang mala­laking alon ang kanilang bangka. Nabuhayan sila ng pag-asa nang makakita ng mga eroplanong mula sa kanlurang direksyon.

Napakalayo na pala nang narating ng kanilang bangka. Malapit na pala sila sa Pilipinas kung saan nanggagaling ang mga eroplanong nakikita nila.

Bagamat alam nilang malapit na sila sa kalupaan, wala pa rin silang nagawa upang kontrolin kung saan direksyon pupunta ang kanilang bangka.

Nailigtas sila ng Taiwanese na barko nang malapit na sila sa Marshall Islands, isang grupo ng mga isla sa timog na bahagi ng Pacific Ocean. Bagamat nangangayayat at gutom-gutom ang tatlo, nasa maayos namang kalagayan ang kanilang kalusugan nang matagpuan.

Nakabalik ang tatlo sa Mexico. Sa kabila nang naranasan, bumalik pa rin ang tatlo sa hanapbuhay nilang pangingisda.

 

Show comments