^

Punto Mo

Paggiba sa Pasay public cemetery

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DI-MAPAKALI ang mga residente ng Pasay dahil mukhang matutuloy na ang paggiba ng public cemetery kung saan nakalibing ang kanilang kamag-anak. Nakarating kasi sa kaalaman ng mga residente na panay ang meeting sa ngayon ng cemetery administrator na si Remy, at mga representatives ng Korean firm, Dae Hae Corp. para ituloy na ang proyekto na tayuan ng crematorium ang semen­teryo sa Sgt. Mariano. Noong isang taon pa dapat isagawa ang proyekto, matapos na sulsulan ito ng city council, subalit hindi natuloy dahil sa reklamo ng mga residente na walang consultation na nangyari rito. Pati anak ni Remy ay nag-resign na sa kanyang trabaho sa Evangelista sa Makati City para lang makapag-concentrate sa naturang proyekto kaya walang duda ang mga residente na ipupuwersa ito ni Mayor Tony Calixto. Si Remy ay abala rin sa pakikipagpulong sa mga residente sa bahagi ng Phase 1 to 5 para palabasin na consultation ito. Kaya nagbabanta si Jojie Claudio sa mga residente na ’wag silang paloko at baka pinapirma sila ng blankong papel na meeting kuno subalit palalabasin na consultation ito. Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ’yan, di ba mga kosa? Mismo!

Mukhang pinalamig lang ng kampo ni Calixto ang isyu bago nila buhayin ito. Sinabi ng mga kosa ko na nagmamadali na kasi ang Korean firm kung bakit na-delay ang proyekto samantalang naglabas na sila ng pitsa para mapaboran ito ng mga taga-Konseho. Totoo kaya ito? Ang sementeryo pala ay hinati ni Remy mula Phase 1 hanggang 10. Ang plano ay dahan-dahan nilang ipagigiba ang lote at ang Phase 1 to 5 na malapit sa Aurora Blvd. sa Tramo ang uunahin kaya palaging may miting doon si Remy, na dating sekretarya ni Emi Calixto na kapatid naman ni Mayor Calixto. Get’s n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na ang balak ng Koreano ay magpatayo ng bahay kung saan ang buto ng mga patay ay i-storage. Nag-offer din sila ng libreng pasunog ng mga buto. Pero ang lahat ng offer ng Korean firm ay inayawan ng mga residente dahil ayaw nilang guluhin pa ang namayapa nilang kamag-anak. Siguro walang malapit na kamag-anak ang mga Calixto na nailibing sa public cemetery kaya hindi nila naramdaman ang lungkot at pighati ng mga residente. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kaya ang balak sa ngayon ng mga residente ay magra-rally sila para tutulan ang proyekto. ’Yan ay kapag niloko sila ng consultation kuno ni Remy. Hehehe! Kanya-kanyang palusot lang ’yan!

Sa Pasay pa rin, nalulungkot din ang mga senior citizen’s dahil sa planong itigil na ang P500 na natatanggap nila mula sa City Hall. Nakalaan na kasi ang P500 sa kanilang gamot at iba pang gastusin at malaking kawalan ito sa kanilang bulsa kapag nawala pa. Nagpa-miting na kasi ang Senior Citizen’s Office ng Pasay at sinabing itigil na ang suporta nila at ibabalik na lang ito sa Enero. Kaya kumalat ang balitang bangkarote na ang kaban ng Pasay at maaring lumala pa ito sa liderato ni Calixto. Ilan pa sa katanungan ng mga residente ay sino ang nag-walk out sa exit conference ng Commission on Audit (COA) at legal ba ang paglagak ng pera ng siyudad sa time deposit? Abangan!

 

AURORA BLVD

CALIXTO

CITY HALL

KAYA

PASAY

REMY

RESIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with