‘Tricks’

…tuwing hindi maayos ang pakiramdam ng katawan:

 

Kung makati ang lalamunan, kamutin mo ang iyong tenga. Kapag nagalaw ang nerves ng tenga, ito ay lilikha ng ng muscle spasm sa lalamunan kaya titigil ang pangangati.

Hindi mo marinig ang iyong kausap sa gitna ng mai-ngay na party. Ang kanang tenga ang ilapit mo sa bibig ng iyong kausap o kung may kausap sa cell phone,  kanang tenga ang gamitin dahil ito ang mabilis pumik-ap ng rapid speech. Ang kaliwang tenga ay magaling sa pag-pick up ng music tones.

Parang may bara ang ilong or sinusumpong ng sinusitis: Habang nakadikit ang dila sa ngala-ngala, diinan ng 20 beses ang gitna ng dalawang kilay gamit ang dulo ng hintuturo. Sa ganitong paraan, “binabasag” mo ang bara ng ilong para makahinga nang maluwag.

Sakit ng ngipin. Kumuha ng yelo. Itaob ang kamay. Ipahid ang yelo sa laman (webbed area) na nasa pagitan ng hintuturo at hinlalaki. Pinangingimi ng yelo ang nerve na nakakonekta sa utak at responsable sa sakit ng ngipin.

Kung may pakiramdam na umiikot ang paningin at nakakadama ng pagkahilo dulot ng pag-inom ng alak. Umupo at ipatong  ang iyong mga kamay sa mesa o sa anumang bagay na matibay at hindi gumagalaw. Manatili sa ganitong posisyon hanggang sa matanggal ang hilo. Ang alcohol ay humalo na sa dugo na dumadaloy sa isang bahagi ng tenga na kung tawagin ay cupula. Ito ang nagdudulot ng balance sa ating pagkilos. Dahil sa paghalo ng alak sa dugo, nawawala ang ating balance kaya pagkahilo ang resulta. Ang pagpatong ng kamay sa bagay na hindi gumagalaw ay nagpapakalma sa utak, na ang resulta ay paghinto ng hilo. (Itutuloy)

Show comments