^

Punto Mo

Tips na Simple pero Ismarte

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Kapag pumapasok sa loob ng sinehan o inabot ka ng brownout sa isang room, ipikit mo ang iyong isang mata para mabilis itong maka-adjust sa dilim at luminaw ang iyong paningin.

Sinasabing sincere ka kung tumitingin ka sa mata ng iyong kausap. Paano kung hindi ka komportableng tumingin sa kanyang mata? Sa ilong ka niya tumingin, hindi niya iyon mahahalata. Ang dating sa kanya ay sa mata ka pa rin niya nakatingin.

Kapag ikaw ay naging tagapagsalita sa isang pampublikong pagtitipon o nag-o-oral report sa school, magdala ka ng bottled water. Kapag may nakalimutan, kunwa’y mag-excuse ka at uminom sandali ng tubig. Habang nilalagok ang tubig ay may tsansa kang alalahanin ang mga bagay na nakalimutan. Sa ganitong paraan ay hindi ka magmumukhang tanga.

Kung sobra kang nagmamadali at nagkataong solo mo ang elevator, pagsabayin mo ang pagpindot sa “close door” at sa floor na pupuntahan. Tuluy-tuloy ang magiging takbo ng elevator hanggang sa iyong destination kahit pa ito pindutin sa labas ng ibang tao.

Tampalin mo nang malakas ang ibabaw ng lata ng softdrinks o beer bago buksan upang hindi umawas ang bula sa lata.

Kung gusto mong healthy ang mga kakaining pagkain ngunit ayaw mo sa mga “complicated diets”, ganito ang gawin mong guideline: 1) Iwasan ang pagkaing nasa lata; nasa kahon at may preservatives. 2) Pitong klaseng pagkain lang ang kakainin—sariwang prutas, gulay, lean meat, seafoods, beans, nuts at good fat.

vuukle comment

HABANG

IWASAN

KAPAG

PAANO

PITONG

SINASABING

TAMPALIN

TULUY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with