ISA ang Google sa kompanya na pinapangarap na mapasukan ng mga empleyado sa U.S. Ang kanilang sikat na building na kilala bilang Googleplex ay matatagpuan sa Mountainview, California. Ang mga empleyado ay tinatawag na Googlers. Ano-ano ba ang mga biyayang natatanggap ng kanilang mga empleyado?
1. Libreng pagkain. Matatagpuan ang maraming snack rooms at coffee shops sa malawak na Google campus. Kumain ka ng kahit ano, kahit kailan. Kadalasan, tumataba ang mga empleyado na bagong pasok. Sabik pa kasi.
2. May espesyal na tulugan ang mga empleyado para doon umidlip tuwing break time. Ang tawag nila ay sleep pods, high tech na tulugan.
3. Marami silang game rooms na pagpipilian: Ping pong tables, foosball, pool tables and even video games.
4. Minsan, hindi na maasikaso ng Googlers na magpagupit sa sobrang busy sa trabaho. Ang gagawin ng kompanya ay papupuntahin sa Googleplex ang mobile RV service na kilala sa U.S. na Onsite Haircuts.
5. Puwede nilang dalhin ang kanilang labada sa opisina dahil mayroon din silang libreng dry cleaning services.
6. May isang araw sila per week na puwedeng pumasok sa opisina pero hindi magtatrabaho. Iyon bang tatambay lang para kumain nang libre o doon mo gagawin ang iyong ibang raket o sideline.
7. Kapag ang Googler ay inabot ng pagkakasakit sa trabaho, hindi na niya kailangan pang lumabas ng campus dahil may on site medical care sila.
8. May ipinahihiram na electric car ang Google sa kanilang empleyado. Pero ilang oras lang ang dapat itagal ng paggamit ng electric car.
9. Libreng paggamit ng swimming pool with life guards.
10. Sa lawak ng campus ng Google, may ipinagagamit na motor bike para magpalipat-lipat ng buildings.
11. May massage clinic para sa libreng masahe mula sa licensed massage therapist.
12. High tech ang toilet nila — Japanese Toto Toilet.
13. Mayroon silang garden kung saan mga pagkain ang nakatanim. Puwedeng mag-uwi sa bahay ng sariwang harvest mula sa garden.
14. Bukod sa lap top, biniÂbigyan din ng libreng cell phone ang bagong empleyado. Hindi binanggit kung puwedeng iuwi ang mga ito sa bahay.