NABABAHALA ang sambayanan sa sunud-sunod na kaso ng patayan sa bansa nitong nagdaang mga araw. Kahit sa kalye, loob ng bahay o establisimento ay hindi ligtas sa mga criminal. Wala na silang takot sa kapulisan. At pinakamasaklap pa, lahat ng mga sensational na kaso ay unsolved kabilang na ang pagpatay kay international racer Enzo Pastor, 32, sa Quezon City. Kung sabagay, maging ang kaso nga ni Sr. Insp. Elmer Santiago, na kapwa nila pulis, ay hindi rin nalutas ng PNP, di ba mga kosa? Kaya naman hindi takot ang mga killer na gumala sa kalye ay alam nila na ang taumbayan ay walang dalang armas dahil sa paghigpit ng PNP sa permit to carry firearms outside residence (PTCFOR).
Ang ipinagtataka lang ng mga kosa ko, bakit ang mga kriminal ay pinapayagang magdala ng armas samantalang ang mga peace-loving citizens ay pinagbawalan? Kaya hindi sapat ang warning ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na paparusahan niya ang police commanders kapag nagmintis ang anti-criminality program nila. Ibinabando ng Malacañang at PNP ang police visibility subalit may nakikita ba kayong mga pulis sa lansangan, mga kosa? Hehehe! Puro press release lang ‘yan habang mainit pa ang isyu.
Ang palaging idinadahilan ng PNP ay kulang ang bilang ng puÂlisya para pangalagaan ang seguridad ng mamamayan dahil sa 1-1,000 police to population ratio. Totoo po ‘yan! Kaya nga may balak noon na mag-recruit ng sibilyan para magtao sa mga gate ng Camp Crame o gumawa ng administrative works ng PNP at ang naka-uniporme ay nasa kalye. Nagdagdag na rin ng pondo para sa recruitment program ng PNP at madagdagan ang bilang nila na 140,000. Kaya sa nalalapit na panahon, hindi na masyadong malayo ang police-to-population ratio at dadami na ang mga pulis na magpapatrulya sa kalye, di ba mga kosa? T’yak ‘yun!
Kahit kulang ang bilang ng pulis, sa tingin ng mga kosa ko, marami lang sa kanila ay iba ang pinagtuunan ng pansin. May mga pulis kasi na imbes na public service tulad ng sinumpaan nilang tungkulin, ang inaatupag ay “bulsa service’’.
Ang tinutukoy ko ay ang mga pulis na imbes na habulin ang mga kriminal, ang inuuna ay ang makipagsabwatan sa mga gambling lords para magkalaman ang bulsa nila. May mga pulis din tayo na umaaktong financier din ng illegal gambling tulad ng video karera, lotteng, at iba pang pagkakakitaan. Kaya dapat mamili ang erring cops kung ano ba talaga sila --- gambling lord o pulis? Dahil sa kanilang ilegal na gawain, nadudungisan nila ang imahe ng PNP. Ang ilan sa mga pulis na gambling lord ay sina SPO3 Gener “Paknoy†Presnedi sa Manila, at SPO4 Esteban ang VK operator sa Caloocan City. Hehehe! May ilegal na sila may protector pa, di ba mga kosa?
Tulad nitong mga raid sa illegal gambling na iniutos ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria kina Col. Cabreros at Col. Olivar, mga pulis na sina Jojo Cruz, Boy Go, Ryan, Falwart, Cesar, Noel de Castro, Fernan, Ronel, Bet. Jiggs, at Jake Duling ang isinisigaw ng mga gambling lords sa Metro Manila na kanilang protector. Sino itong alyas Ser Uy sa Bicutan na tumatanggap ng nakolekta nilang pitsa kada linggo? Kung ang mga pulis na ito ay nanghabol ng kriminal, tiyak mababawasan ang bilang ng krimen sa bansa! Abangan!