^

Punto Mo

Pananampalataya

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG Sabado, napagawi ako sa Quiapo. Ang pupuntahan kong tindahan ay malapit sa Quiapo church kaya kinailangan kong dumaan sa harapan ng simbahan. Nadaanan ko ang mahabang pila ng tao patungo sa kinaroroonan ng Poong Nazareno. Nahulaan kong mga hahalik sa Poon ng mga taong nakapila. Talaga palang marami ang nagdedebosyon sa Poong Nazareno. Noong araw kasi, humahaba lang ang pila kapag Biyernes pero ngayon, kahit Sabado ay mahaba pa rin pala ang pila ng mga humahalik kay Poong Nazareno.

Natuklasan kong may daan sa kabilang “side” ng simbahan patungo sa Poong Nazareno na hinahalikan ng mga deboto. Sa natuklasan kong daan, wala akong kahirap-hirap na nakalapit sa Poon at nakapag-alay ng dasal. Nakapagdasal ako na hindi na kailangang maghirap pumila. Alam kaya nila na pinapakinggan din ng Diyos ang panalangin kahit hindi magsakripisyong pumila at humalik sa imahen basta’t iyon ay puno ng pananampalataya?

Noong bata pa ako, may kapitbahay kami na isang mataray na matandang babae. Mayaman siya pero nagsasakripisyo siyang maglinis sa aming parish church araw-araw. Naririnig kong ginagawa niya iyon para raw magsilbi sa Diyos. Nagpapakabait siya sa Diyos pero bakit hindi siya maging mabait sa kanyang kapwa. Madalas niya kaming tinatarayan kapag naglalaro kami sa tapat ng kanilang bahay. Maiingay daw kami at mahaharot. Pati ang aming mga ina ay hinihiya niya at sinasabihang hindi marunong magdisiplina ng anak. Minsan, pati ang puting kumot na nakasampay sa harapan ng isang bahay ay hindi nakakaligtas sa mapanuri niyang mata. Sabi niya: Kanino kayang kumot ang nakasampay na diyan? Hindi marunong maglaba, puting naninilaw. Mga babaeng ito…

Naitanong naming magkakalaro sa isa’t isa, sino kaya ang pupunta sa langit, ’yun matandang nagsasakripisyong maglinis ng simbahan alang-alang sa pagmamahal niya sa Diyos pero mataray sa kapwa o ang aming mga ina na hindi naglilinis ng simbahan pero mabait sa kanilang kapwa?

 

ALAM

BIYERNES

DIYOS

KANINO

NOONG

POONG NAZARENO

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with