MAY psychiatrist na nagsasagawa ng group therapy session para sa mga young moms na edad 20 hanggang 40. Na-g-umpisang magsalita ang psychiatrist:
Base sa aking obserbasyon habang isa-isa kayong nagkukuwento ng inyong buhay, lahat kayo ay may iba’t ibang obsession…ito ’yung mga bagay na kinahuhumalingan ninyo…kumbaga, mga trip n’yo sa buhay.
Ang unang ina ay nahuhumaling sa matatamis na pagkain kaya ang ipinangalan niya sa kanyang anak ay Baby Ruth. Ito ang brand ng paborito niyang chocolate.
Ang pangalawang ina naman ay may obsession na yumaman kaya walang ginawa kundi magpalipat-lipat ng ibang bansa para doon magtrabaho. Pinangalanan niya ang kanyang anak ng Dirham dahil dati siyang OFW ng United Arab Emi-rates. Malalaman mo kung saan siyang bansa nagtrabaho sa pamamagitan ng pangalan ng iba niyang anak: Riyal at Yen.
Ang pangatlong ina ay alak ang naging obsesyon. May anak siyang nagngangalang Vodka at Gin, short for Ginebra.
Hindi pa tapos ang pagsasalita ng psychiatrist pero isang ina sa bandang likuran ang nagpasiyang umalis nang walang sabi-sabi dahil hindi na niya gusto ang tinatakbo ng speech ng psychiatrist. Hindi na niya hihintaying ang obsession naman niya ang dalirutin ng psychiatrist na iyon. Kinausap niya ang kanyang anak na 4 years old na isinama niya dahil walang mag-aalaga:
“Uwi na tayo Dick. Susunduin pa natin sa school ang iyong Kuya Birdie.â€