DALAWANG matalik na magkaibigan ang muling nagkita pagkaraan ng 20 taon kaya naisipan nilang magbakasyon sa isang kilalang beach resort. Naisipan ng dalawa na mag-bonding upang sariwain ang kanilang masayang alaala mula sa pagkabata. Si Rex ay propesor sa unibersidad at nakatapos ng Ph.D in Education. Samantalang si Danny ay nagtapos ng vocational course.
“Bakit vocational lang?†tanong ni Rex
Medyo nasaktan si Danny sa tanong na iyon ni Rex. Porke’t PhD siya, lalang-langin lang niya ang natapos niya?
“Praktikal kasi ako. Gusto ko, sandali lang ang pag-aaral para makapagtrabaho agad.â€
Summer noon at maraming bakasyunista, kaya naubusan sila ng room sa hotel. Biglaan ang outing nilang magkaibigan kaya hindi naisipang magpa-reserve. Wala silang choice kundi magrenta ng tent at doon sa aplaya matulog. Napagod sila sa maghapong paglalakad sa paligid ng resort kaya mahimbing silang nakatulog sa tent.
Sa kalagitnaan ng gabi, nagising ang magkaibigan at nagkuwentuhan. Sabi ni Danny, “Maraming stars sa kalangitan, ano ang masasabi mo diyan?â€
“Astronomically speaking, it tells me that there are millions of galaxies and potentially billions of planets. Astrologically, it tells me that moon is in Taurus. Time wise, it appears to be approximately 3:00 a.m. Theologically, its evident the Lord is all-powerful and we are small and insignificant. MeteoÂroÂlogically, it seems we will have a beautiful day tomorrow. Ikaw ano ang masasabi mo?†balik-tanong ni Rex
“Practically, kaya natin nakikita ang mga bituin mula sa ating pagkakahiga ay dahil ninakaw ang ating tent!â€
Kung minsan, sa sobrang taas at dami ng pinag-aralan ng isang tao, nakakalimutan na niyang mag-isip nang simple at praktikal.
— Ayn Rand