^

Punto Mo

Paboritong pagkain ng mga bayani!

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

BUKAS ay Araw ng Kalayaan. Alalahanin natin ang ka­gitingan ng mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating bansa. Kami sa Idol sa Kusina ay maghahanda ng mga paboritong putahe ng ating mga bayani. Panoorin iyan sa Linggo, 7:00 p.m. sa GMA News TV. Narito pa ang ilang trivia tungkol sa paboritong pagkain ng ating mga bayani:

  • Chicken pochero ang paboritong putahe ni Marcelo H. del Pilar (Plaridel), ang editor ng La Solidaridad. Ito ay local Spanish dish.
  • Karneng asada naman daw ang paborito ni Jose Rizal.
  • Naglalakbay pa umano ang kanyang ina mula Calamba, Laguna patungong Binondo para mamili ng mga sangkap para sa paboritong pagkain ng anak.
  • Dalawang taon pa lamang si Jose Rizal ay nakakabasa at nakakasulat na siya. Marunong siyang magsalita ng 22 wika!
  • Bagamat ang tawag sa kanya ay Dr. Jose Rizal, hindi pala niya natapos ang Medisina.
  • Alam n’yo bang bago binaril si Rizal sa Bagumbayan, maputlang-maputla siya? Ngunit hindi ang takot sa kamatayan ang dahilan ng kanyang pamumutla kundi hindi siya nakapag-agahan nang araw na iyon. Dahil nang kunan siya ng stats, ang tibok ng puso niya ay normal. Kalmado siya.
  • Si Gabriela Silang, ang tinaguriang Joan of Arc ng Ilocos. Asawa siya ni Diego Silang.
  • Alay namin kay Gabriela Silang ang pinakbet at dinengdeng. Mga putaheng binubuo ng mga pinakuluang gulay na may bagnet at bagoong na isda.
  • Ang salitang “Pinakbet” ay nangangahulugang kulubot dahil ang mga gulay ay pinakukuluan hanggang manguluntoy.
  • Mababawasan ang pakla ng ampalaya kung ibababad sa tubig na may asin.

vuukle comment

DIEGO SILANG

DR. JOSE RIZAL

GABRIELA SILANG

JOAN OF ARC

JOSE RIZAL

LA SOLIDARIDAD

MARCELO H

SI GABRIELA SILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with