NOONG Lunes, dakong 12:35 ng tanghali, pinagbabaril ng riding-in-tandem ang radio broadcaster na si Nilo Baculo, 67, ng Calapan City, Oriental Mindoro. Ayon sa report, blocktimer si Baculo sa local radio dwIM. Nakasakay sa kanyang motorsiklo si Baculo at malapit na sa kanyang bahay nang maganap ang pagtambang. Tinamaan sa katawan si Baculo at idineklarang dead-on-arrival sa ospital. Si Baculo ang ika-29 na mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrasyon ni P-Noy at ika-165th mula noong 1986 na naibalik ang demokraysa sa bansa.
Noong nakaraang Mayo 23, 2014, pinaslang din ng riding-in-tandem si Samuel “Sammy†Bravo Oliverio, 57, ng Digos City, Davao del Sur. Pauwi na umano si Oliverio galing sa palengke kasama ang kanyang misis nang pagbabarilin. Si Oliverio ay blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN) at Ukat Radio.
Noong nakaraang Abril 2014, isang babaing tabloid reporter ang pinagbabaril sa Cavite. Isang police official ang itinuro mismo ng reporter habang ito ay naghihingalo. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang napapanagot sa krimen.
Pinaka-malagim ay ang Maguindanao masÂsacre noong 2009 kung saan, 30 mamamahayag ang pinaslang. Hanggang ngayon, usad-pagong ang paglilitis sa kaso. Walang makitang liwanag para mabigyan ng hustisya ang mga pinaslang na mamamahayag.
Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang mapanganib para sa mga mamamahayag. Nangunguna ang Iraq at pumangalawa ang Pakistan sa mga bansang hindi kinikilala ang mga mamamahayag.
Kailan makakakuha ng proteksiyon ang mga ma mamahayag sa pamahalaan? Kapag may naÂpaslang, awtomatik nang sasabihin ng Malacañang na pinakikilos na nila ang PNP para tugisin ang mga pumatay. Nakikiramay umano sila sa pamilya nang pinaslang. Gagawin daw ang lahat.
Lagi na lamang bang ganito? Wala na bang inaÂasahan ang mga mamamahayag mula sa pamahalaan?