KAHAPON ipinalabas ang una kong episode bilang co-host ni Chef Pablo “Boy†Logro sa Idol sa Kusina ng GMA News TV. Sinimulan namin ang pakulong Bet Ya Didnt Know kung saan nagbibigay kami ng mga trivia tungkol sa pagkain, sangkap, gulay at prutas na kabilang sa recipe ng mga niluluto namin. Narito ang ilan:
Ang kamatis ay prutas at hindi gulay. Kabilang ito sa prutas dahil mayroong buto. Ginagamit itong vegetable dahil hindi matamis.
Ang talong ay kabilang sa pamilya ng mga berry. Ang pangalan nito ay hango sa kulay puti at dilaw ng itlog kaya tinawag na eggplant.
Ang mani ay hindi nut kundi legume.
Ang suka bukod sa panluto ay ginagamit ding panglinis ng salamin at bintana, pampawala ng sakit ng ulo at lagnat at pantanggal ng chewing gum na dumikit sa buhok.
Ang papaya ay magandang pampalambot ng karne dahil sa taglay nitong enzyme na papain.
Ang mangga ay kabilang sa pamilya ng kasuy.
Ang asin ang sinaunang pambayad sa mga sundalong Romano. Ang tawag dito ay “salarium†na pinagmulan ng salitang “salary†o suweldo.
Ang mga uri ng asin ay depende sa dagat o tubig na pinagkukunan ng mga ito.
Ang adobo ay nagmula sa salitang Kastila na “adobar†na ang ibig sabihin ay marinade o ibabad.