Ten Commandments ng Bata...sa kanyang mga magulang:...sa kanyang mga magulang
1. Maliit pa lang ako, siyempre, pati ang aking mga kamay. Huwag ninyong asahan na magagawa ko lagi nang maayos ang mga gawaing bahay.
2. Wala pa akong karanasan. Sana ay huwag ninyo akong paghihigpitan na mag-explore ng aking paligid. Hayaan sana ninyong maranasan ko ang dapat maranasan ng mga batang kagaya ko.
3. Nariyan lang ang mga trabaho. Hindi ’yan aalis pero ang aking kabataan ay lilipas sa pagdaan ng mga araw. Sana ay ako muna ang unahin ninyo. Namnamin ninyo ang aking pagiging bata. Subaybayan ninyo ang aking paglaki.
4. Huwag n’yo naman akong pagalitan lagi. Kaunting kibot, talak agad ang katapat. Kayo po ba matutuwa kung lagi kayong bubungangaan?
5. Regalo ako sa inyo ng Diyos. Kung gusto ninyo akong disiplinahin, please do it lovingly.
6. Sana ay huwag ninyo akong pagagalitan sa harap ng ibang tao lalo na sa harap ng aking mga kapatid. Gusto ko pong manatili ang dignidad sa aking sarili hanggang sa aking pagtanda.
7. Please po, pabayaan ninyo ako paminsan-minsan na gumawa ng sarili kong desisyon para paglaki ko, marunong na ako.
8. Isa pang please po…huwag ninyo akong ikumpara sa aking mga kapatid.
9. Huwag ninyo kami iiwan kapag weekend. Mas masaya kung sama-sama tayong mag-anak sa mga ganitong panahon.
10. Turuan po ninyo kaming magsimba at magdasal.
- Latest