KASAGSAGAN ng paghahanap ko noon ng trabaho. Tinugon ko ang employment ad sa dyaryo ng isang kompanya ng sardinas na nagsasaad na nangangailangan sila ng Food Technologist. Pagkatapos kong maipasa ang exam at interview ay agad akong binigyan ng assignment. Pinapunta ako sa isang malaking supermarket para kunin isa-isa ang presyo ng iba’t ibang brand ng sardinas. Bagong tatag pa lamang ang pabrika at kailangan nila ang mga ganitong klaseng data.
Sa supermarket, isa-isa kong isinulat ang presyo nang lapitan ako ng guwardiya. Bawal daw ang aking ginagawa. Kinuha ang listahan kong ginawa at pinalabas ako ng supermarket. Kahit walang nakapansing ibang kostumer sa ginawang pagpapalayas sa akin, gusto kong matunaw ng mga sandaling iyon. Sa sobrang hiya, feeling ko’y ka-level ko ang isang shoplifter.
Bumalik ako sa opisina at inireport ko sa lady boss ang nangyari at sinabing bawal pala sa mga supermarket ang ipinagagawa niya sa akin. May furniture business sila kaya may existing office na sila kahit bago pa lang itinatayo ang opisina para sa itatayong sardine factory. Pagkatapos ay itinanong ko kung bakit nagsimula na ako sa trabaho pero hindi pa nila kinukuha ang aking SSS number at iba pang requirements na kailangang isumite sa employer.
Nagulat ako sa naging reaksiyon ng lady boss. Bigla nitong tinawag ang kanyang sekretarya at pinagalitan sa aking harapan. Ang tagal-tagal na raw sa trabaho pero tatanga-tanga pa rin sa trabaho. Pagkatapos murahin ang sekretarya ay lumabas kami sa kuwarto ng lady boss. Paglabas ng kuwarto ay hindi napigilang umiyak ng sekretarya. Nag-sorry ako dahil ako ang naging dahilan ng pagsabon sa kanya.
“Wala kang kasalanan. Ganyan talaga boss ko at magiging boss mo, walang pakundangan kung magmura sa tauhan.â€
“Ilang taon ka na ditong nagtatrabaho?†tanong ko.
“Two years na.â€
Tumango-tango ako. Isang pasiya ang aking binuo. Hindi na ako babalik sa komÂpanyang iyon. Hindi marunong magpahalaga ng damdamin at serÂbisyo ang kompanya. Sa akin manggagaling ang formulation ng sardinas na gagawin. Baka pagkatapos nilang huthutin ang lahat ng impormasyong kailangan nila sa akin ay mura-murahin na lang ako kagaya ng ginawa sa sekretarya. Nakakatakot.