^

Punto Mo

EDITORYAL - Tapusin na ang kalbaryo

Pang-masa

KAAWAAWA ang kalagayan ng mga biktima ng Yolanda. Anim na buwan na ang nakalilipas mula nang hagupitin ng bagyong Yolanda, hanggang ngayon, marami pa sa kanila ang nakatira sa tent at umaasa sa gobyerno. Kailan matatapos ang kanilang kalbaryo? Sobra-sobra na ang kanilang pagdurusa. Kahabag-habag ang kanilang kalagayan.

Gaya nang sinapit ng mag-iinang nakatira sa tent sa San Jose District, Tacloban City. Nasunog ang kanilang tent noong Miyerkules at kasama silang natupok habang natutulog. Bukod sa 39-anyos na ina, kasamang nasunog ang lima niyang anak na may edad 12, 9, 5, 3 at dalawang buwang sanggol. Ayon sa mga nakasaksi sa sunog, iglap ang paglaki ng apoy na nagmula sa loob ng tent dakong 12:20 ng hatinggabi. Umabot lamang ng ilang minuto ang sunog at naapula agad.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng sa ilawang de-gaas (kerosene) nagmula ang sunog. Maaaring nasipa ang ilawan ng isa sa mga occupants at mabilis na kumalat ang apoy.

Wala pang kuryente sa lugar kaya maraming nakatira sa mga tent ang gumagamit lamang ng ilawang de-gaas at kandila. Ang tanging may kuryente sa lugar ay ang mga kalsada. Walang kasiguruhan kung kailan magkakaroon ng kuryente ang mga nakatira sa tent.

Mahigit anim na buwan na ang nakalilipas mula nang manalasa ang Yolanda sa Visayas Region pero hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga tao roon. Patuloy silang umaasa sa tulong ng gobyerno. Bagamat dumagsa ang maraming tulong, marami pa rin ang hindi nakakatikim at hindi maambunan ng tulong.

Sabi ni rehabilitation czar Panfilo Lacson, mabagal ang pagbangon ng mga biktima ng Yolanda sapagkat may mga Cabinet official na hindi nakikiisa sa kanya. Humihingi siya ng tulong pero dedma lang umano. Sabi pa ni Lacson, baka bago bumaba si President Aquino sa 2016 ay magiging ganap na ang rehabilitasyon sa mga napinsalang lugar.

Sana, bilisan pa ang pagtulong sa mga kapus-palad na biktima. Madaliin ang  pagsasaayos sa lugar. Tapusin ang kalbaryo ng Yolanda victims.

 

AYON

BAGAMAT

PANFILO LACSON

PRESIDENT AQUINO

SABI

SAN JOSE DISTRICT

TACLOBAN CITY

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with