ISANG matinding buhawi ang tumama sa Oklahoma City noong 1999. Naitala iyon sa pinakamalakas na buhawing tumama sa nasabing siyudad.
Isa sa mga nakaranas nang hagupit ng buhawi ay si Amy Crago at kanyang 10 buwan na sanggol na si Aleah na nagtago sa maliit na silid ng kanilang bahay.
Nawalan nang silbi ang pagtatago ni Amy at kanyang sanggol sa silid dahil walang anuman na winasak ito ng buhawi. Sa lakas ng hangin, natumba si Amy at nakita na lamang niya ang anak na si Aleah na tinangay ng buhawi.
Nang tumigil ang buhawi, agad hinanap ni Amy si Aleah. Sa kabila na tuliro at sugatan, lumapit siya sa isang pulis na nagpa-patrol sa kanilang lugar at pinakiusapan ito na kung maari ay hanapin ang nawawalang sanggol.
Ang pulis na hiningian ni Amy ng tulong ay si De-puty Robert Jolley. Hindi ito nag-atubili na hanapin ang sanggol. Ginalugad niya ang mga lugar kung saan maa-ring tinangay ng hangin ang sanggol.
Hindi nagtagal nakita ni Robert ang sanggol hindi kalayuan sa tahanan nina Amy. Nakita niya ito na nakahiga sa isang putikan. Ligtas ang sanggol. Maaring ang malambot na putik ang sumalo sa bata at nagligtas dito. Maliban sa ilang gasgas, walang pinsala sa katawan ang sanggol.
Isinugod ni Robert sa ospital ang sanggol. Ang mga nurse ang naghatid ng balita kay Amy ukol sa anak nito.
Ngayon ay teenager na si Aleah at kilala siya sa kanilang lugar bilang “mud baby†dahil sa nangyari. Hindi na niya nakita si Deputy Robert mula noon kaya umaasa siya na balang araw, magkikita sila at makapagpapasalamat nang personal sa police officer.