Ano ang Ginagawa ng ‘Successful People’ Bago Mag-almusal?
Narito ang iba’t ibang ginagawa ng matatagumpay na tao bago mag-almusal:
1. Gumigising sila nang maaga. Base sa survey, ang pinakamaagang gising nila ay 4 a.m hanggang 6 a.m.
2. Nag-eehersisyo, kadalasan ay jogging. Nababawasan daw ang kanilang stress at nagiging mahimbing ang tulog sa gabi.
3. Binabasa ang mga priority projects na nakalinyang gawin. Mas mabilis mag-focus sa umaga dahil fresh pa ang isipan.
4. Ginagawa ang kanilang personal passion project. Gumigising tuwing 4 a.m. ang isang babaeng kakilala ko para magsulat ng nobela hanggang 7 a.m. Mula 8 a.m. hanggang hapon ay abala siya sa kanyang propesyon, ang pagtuturo sa kolehiyo.
5. Nagme-meditate upang malinaw ang kanilang isipan sa buong maghapon.
6. Isinusulat ang mga bagay na dapat nilang ipagpasalamat sa Diyos. Mas lalo raw nagiging grateful ang isang tao sa mga blessings na natanggap niya kung isusulat mo ito isa-isa. Lalong tumatanim sa puso at isip kung gaano ka kasuwerte.
7. Nakikipag-bonding sa asawa at mga anak kahit sandali lang. Pinupuntahan ang mga anak sa kanilang kuwarto at sila na ang mismong nanggigising sa mga ito para sabay-sabay silang mag-almusal.
8. Nagtsetsek ng e-mail.
9. Nagbabasa ng diyaryo.
10. Pinaplano kung ano ang gagawing strategy sa mga problemang kinakaharap sa trabaho. Mas matalino raw ang isang tao matapos makatulog at makapagpahinga.
- Latest