Tinatayang 10 milyon na ang mga sasakyan sa bansa, ayon kay Automotive Association of the Philippines president Gus Lagman.
Katunayan nito ang matinding pagsisikip ng mga lansangan dahil nga ewan nga ba kung bakit hindi makontrol-kontrol madalas na ginagawa ng parking ang mga lansangan.
Ang nakakaasar pa rito kalsada na naka-park, aba’y may bayad o may naniningil pa.
Pati kalsada pinagkakitaan.
Lucrative business ngayon ang parking, na karamihan ang painakamababang singil yata eh hindi bababa sa P30.
Lalo na sa mga malls at commercial place. Ang iba nga ay nagsiismula sa libre ang lugar—kapag tumagal at lumalakas ang mall unti-unti nang pinagbabayad ng parking ang kanilang mga kostumer.
Ewan pero tila di yata nakokontrol ng pamahalaan ang singil dito sa parking o sa mga tamang lugar na dapat ay huwag gawing parking area. Dito lamang sa Bgy Socorro sa harap ng Camp Aguinaldo---halos di mo na madaanan ang kalye dahil naka -reserve na ang magkabilang sidewalk bilang parking area. Siguradong alam yan ng barangay. Ganyan din ang nangyayari sa may West Crame namumutakte ang kalsada sa mga nakahimpil na sasakyan.
Iyong mga private schools na itinatayo lalo sa Quezon City at Maynila dapat i-require ang parking sa lugar nila — pero karamihan sa eskwelahan ay tayo lang nang tayo para sa negosyo pero ang parking—dun sa kalye kaya apektado ang trapiko. Dito ang lokal na pamaÂhalaan na ang dapat na umaksyon kundi kaya ng mga awtoridad.
Ok lang magnegosyo, pero sana naman ’wag makaperÂwisyo sa iba!