“MAHIRAP makiÂpag-away sa taong hindi nalalaman ang buong katotohanan. Kahit na sabihin ko kay Iluminado na hindi ako ang nag-umpisa nang lahat kundi ang hipag niyang si Luningning, palagay ko, hindi siya maniniwala. Ang pinaniniwalaan niya ay ang sumbong ni Renato na naabutan kaÂming nagtatalik. At ako ang nadiin sa nangyari. Kaya nang magkita kami sa sementeryo, mayroon siyang binabalak sa akin. Nakita ko sa kilos niya. Gusto rin niya akong mapatay para maipaghiganti ang kapatid. Galit na galit siya habang patungo sa kinaroroonan ko. Palagay ko, mayroon siyang patalim na dala.â€
“Ano po ang ginawa mo, Sir Basil?†tanong ni Drew.
“Nang susugurin niya ako, bigla akong tumakbo. Hindi naman karuwagan ang tumakbo. Ang sa akin lamang ay para makaiwas sa maÂaaring mangyari. Kasi’y kapag mayroon siyang ginawa sa akin, dapat kong ipagtanggol ang sarili. At paÂano kung mapatay ko siya? MalaÂking problema.
“Kaya walang pukÂnat na pagtakbo ang giÂnawa ko. Hindi na ako lumingon at baka madapa lamang ako. Tuluy-tuloy ako sa bahay ng pinsan ko. Safe ako roon kung sakali. Magdadalawang-isip si Iluminado na habulin pa ako.
“Mula noon, hindi na ako nagtungo sa probinsiya. Iniwasan ko nang magÂkita pa kami ni Iluminado. Kaya hanggang ngayon, ang pagkaÂalam niya, ako ang may kasalanan nang lahat kaya nagawang magpakamatay ni Renato. Binansagan niya akong ‘Uok’ dahil sinira ko ang buhay ng kanyang kapatid. Kung alam lamang niya na tinukso ako ni LuÂningning.’’
Napabuntunghininga si Basil. Malalim.
(Itutuloy)