^

Punto Mo

Pinakamakipot na bahay sa mundo, nasa Brazil

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA maliit na bayan ng Madre de Deus sa Bahia, Brazil makikita ang pinakamakipot na bahay sa buong mundo. Ito ay tatlong palapag at three feet lamang ang lapad. Ang bahay ay pag-aari ni Helenita Minho.

Nagsimula ang kuwento nang pinakamakipot na bahay sa buong mundo nang mawalan ng trabaho si Helenita. Sa halip na magmukmok dahil sa kahirapan ng buhay, nag-isip si Helenita ng puwedeng pagkakitaan habang wala siyang regular na trabaho. Noon niya naisip na magpagawa ng isang bahay na puwede niyang paupahan. Mayroon siyang kapirasong lupain na puwedeng pagtayuan ng gusali.

Ang problema, ang lupain na kanyang planong tayuan ng bahay paupahan, kapi­raso lang na parang sa eskinita. Sa kabila niyon, itinuloy pa rin ni Helenita ang pagpapagawa ng bahay sa karampot na  lote. Subalit kinontra ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ni Helenita nang napakakipot na gusali. Pero sa dakong huli, pinayagan na rin ng mayor ng Madre de Deus ang konstruksyon ng bahay ni Helenita dahil sa potensyal na maaari itong tourist spot.

Hindi nagkamali ang mayor dahil sa sobrang kipot ng ipinaga­gawang bahay ay talagang kakaiba ang itsura nito. Dumagsa ang pumupunta sa lugar nina Helenita para makita ito.

Lumipat sina Helenita sa bagong bahay. Dahil sa kipot ng bahay, nahirapan ang pamilya ni Helenita na magpasok ng refrigerator sa loob. Gayunman, ayon kay Elenita, mas malaki pa rin ang makipot na bahay na itinayo kumpara sa dati nilang tinitirahan.

Natupad ang plano ni Helenita na magkaroon ng ekstrang kita dahil kumikita siya ng $350 mula pagpapaupa sa luma niyang bahay.

BAHAY

BAHIA

DAHIL

DUMAGSA

ELENITA

GAYUNMAN

HELENITA

HELENITA MINHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with