SINAMPAHAN ng kaso sa Ombudsman ang district engineer ng DPWH sa Laguna at anim pang iba, na tinawag ng mga residente ng Los Baños na mga “Berdugo ng mga kahoy.†Ang pagsampa ng kaso ni Konsehal Norvin Tamisin laban kay Engr. Joel Limpengco at iba pa ay dahil sa pagputol ng mga ito ng mga Kapok trees sa paanan ng Mt. Makiling Forest Reserve sa Los Baños alinsunod sa P16.999 milyon road widening project ng gobyerno. Hindi naman sa ayaw ng taga-Los Baños ng development, subalit ang nais lang nila ay kumpletuhin ng contractor ang mga papeles nila at kung maari pa ay iwasan ang pagputol ng mga kahoy na maraming taon din nilang inalagaan. Hiniling din ni Tamisin na ilagay sa preventive suspension si Limpengco at iba pa habang iniimbestigahan ang kaso “to ensure that the trees along the stretch of Mt. Makiling Ecological Garden Road and the Mt. Makiling Forest Reserve Road will not be shaved and denuded†habang itinutuloy ng DPWH ang second phase ng proyekto. Sana paboran ng Ombudsman ang panalangin na ito ni Tamisin para kumalma ang nagsilakbong damdamin ng taga-Los Baños, di ba mga kosa? T’yak ’yun!
Maliban kay Limpengco, ang kinasuhan ni Tamisin ng violation of R.A. No. 3019 o the anti-graft and corrupt practices act, grave abuse of authority to grave misconduct arising from the unlawful cutting of fully-grown Kapok trees at iba pa ay sina Bgy. chairman Florencio Bautista, at sina Roger Estrimos, Luisito Bautista, Jimmy Boyiso, at Arthur Estriminos. Maliban kay Bautista ang ibang kinasuhan ay inupahan para putulin ang 19 Kapok trees “in open defiance of existing laws and regulations of the Department of Environment and Natural Resources (DENR).†Sa tingin ni Tamisin, tatamaan talaga si Bautista dahil sa pag-amin niya sa InterAksiyon.com ng TV5 na tumanggap siya ng P245,000 sa Jobel Enterprises para putulin ang mga Kapok trees. Hehehe! Nahuli sa sariling bibig si Bautista, di ba mga kosa? Mismo!
Sa kanyang sinumpaang 54-pahinang salaysay na isinumite sa Office of the Deputy Ombudsman for Luzon noong May 23, sinabi ni Tamisin na kaya pinutol ang mga kahoy ay dahil sa permit na inisyu ni Bautista. Iginiit ni Tamisin na hindi si Bautista, bilang chairman ng Bgy. Timugan, ang may karapatang mag-isyu ng permit para magputol ng kahoy kundi ang DENR. Tumpak naman si Tamisin dito, di ba mga kosa? Mismo! At ang ginawang giya ni Tamisin ay ang Memorandum No. 74 na inisyu ni DENR Usec. Atty. Analiza Rebuelta-Teh noong Feb. 5, 2013 na nagsasaad na, “the cutting of planted trees within private lands shall be allowed subject to the clearance to be issued by the Regional Executive Director and the cutting of naturally growing trees, including premium species within private lands and those to be affected by the development and government projects shall be allowed subject to the clearance/permit to be issued by the Office of the Undersecretary for Field Operations.†Medyo tumibay ang panig ni Tamisin nang mag-isyu ng clarification ang DENR provincial office ng Laguna noong Abril 14, 2014 “that no cutting permit was issued to the DPWH although Limpengco had applied for it on February 12, 2014.†Ano ba ’yan?
Nahinto lang ang pagputol ng kahoy nang makialam na ang Laguna provincial government noong Abril 1. Sa tingin ko naman, dapat lang sigurong mag-usap ang lahat ng stakeholders sa proyekto nang sa ganun magkaroon ng win-win solution at ’di na maantala ang development ng Los Baños, ’di ba mga kosa? Abangan!