^

Punto Mo

Uok (165)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PERO nalaman ko rin na hindi naman pala totoong nalunod habang tuma­tawid sa Ilog Pola si Renato. Nagpakamatay siya. May nakakita na tu­malon siya mula sa pampang at bumagsak sa malalim na bahagi ng ilog. Nakita ang bangkay ni Renato na nakalutang na sa may batuhan, mga isang kilometro ang layo sa tinalunan niya. Nang malaman ko ang nangyari kay Renato, lalo nang may tumarak na matalim sa konsensiya ko. Napakasama ng ginawa ko kay Renato. Nagpakamatay siya dahil sa ginawa naming kasalanan ni Luningning. Hindi niya natanggap na ang kanyang matalik na kaibigan ang magwawalanghiya sa pagsasama nilang mag-asawa.”

“E si Luningning po nasaan na?”

“Iyan pa ang isang nakakakilabot, Drew.’’

“Bakit po?”

“Dalawang araw ang nakalipas mula nang matagpuan si Renato, si Luningning naman ang natagpuang patay sa Ilog Pola. May nagsasabing nalunod habang tumatawid at tina­ngay nang malakas na agos. At may nagsasabi namang pinatay siya. Hindi malaman ang tunay na dahilan ng na­ging ka­mata­yan ni Luningning. Hanggang nga­yon yata ay hindi pa alam kung ano ang dahilan.’’

“E di sa­bay po silang ibinurol?”

“Oo.’’

“Wala pong nakaalam ng mga pangyayari bago ang pagpapakamatay ni Renato.’’

“Ang alam ko isang tao lang ang nakaaalam --- si Iluminado! Nagtungo umano­ si Renato kay Iluminado at sinabi ang nangyari. Iyon ang dahilan kaya matindi ang galit sa akin ni Iluminado.

“Minsan naisipan kong dalawin ang libingan ni Renato. Pero naratnan ko sa sementeryo si Iluminado. Galit siya. Hindi ko alam ang gagawin sa pagka­kataong iyon. Kutob ko, may balak siya sa akin.’’

(Itutuloy)

 

BAKIT

DALAWANG

GALIT

ILOG POLA

ILUMINADO

LUNINGNING

NAGPAKAMATAY

RENATO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with