Health Mistakes
Vegetable salad ang inoorder. Oo nga, gulay iyon pero ano ang nakahalo dito—mayonnaise, croutons, chicken or bacon or ham at iba na mataas sa calories.
Habang nage-exercise ay may nakasaksak na MP3 player sa tenga. Habang pinalalakas mo ang iyong katawan, pineperwisyo mo naman ang iyong pandinig. Ang normal range ng MP3 player ay 60 to 120 decibels. Ang madalas na exposure ng tenga sa 80 decibels pataas ay nakakasira ng pandinig.
Gumagamit ng sunscreen lotion pero mali ang paraan ng paggamit. Inilalagay muna ang lotion sa palad tapos saka ipaÂpahid sa ibang parte ng katawan. Karamihan ng lotion ay sa palad napupunta at kaunti na lang sa bahaging nais ingatan laban sa sunburn. Resulta: Sunburn pa rin. Diretsong ilagay ang lotion sa bahaging nais mong pahiran.
Gumagastos ng malaking halaga sa pagpapaayos ng ngipin o pagpapaputi nito pero hindi naman nagpo-floss. Dapat ay 5 minutes na i-floss ang ngipin araw-araw para masaid ang tinga na nakasiksik sa gums. Ito ang pinagmumulan ng gum infection na kapag lumala ay nagiging sanhi ng sakit sa puso at cancer.
Naka-contact lens pa rin kahit sinisipon o masama ang pakiramdam. Gumamit ng salamin kapag may sakit. Natutuyo ang mata kapag maysakit at ang pagsuot ng contact lens ay maaaring pagmulan ng conjunctivitis.
Laging kulang sa tulog. Kailangan ng tao ang 7 to 9 hours na tulog. Malamang na magkasakit sa puso ang isang tao laging nagkukulang sa tulog sa loob ng 8 taon.
Sa sobrang kaabalahan sa trabaho, akala’y puwede nang ihalili ang pag-inom ng fruit juice na de lata o de bote sa pagkain ng fresh fruit.
Umaasa na lang sa fast-food meal na mayaman sa fats and calories at pagkaing less ang fibers. Planuhin ang lulutuin at kakainin upang hindi ka mapilitang umasa sa fast-food meal na wala kang control sa mga ingredients na isinasahog sa mga pagkaing binibili mo.
- Latest