OSPITAL ang takbuhan ng mga may sakit at nararatay sa karamdaman.
Sa pananalig sa Maykapal at sa tulong na rin ng mga dalubhasa sa medisina, naniniwala silang malaki ang tsansang gagaling sila sa kanilang sakit.
Subalit, papaano kung sa halip na gumaling ang isang pasyente sa mismong pinagdalhan sa kaniyang pagamutan ay lalo pa yatang mapapadali ang kaniyang buhay?
Ano ang pakiramdam ng isang salat na magulang na tinapat na ng doktor na maghintay nalang ng milagro sa langit kung gagaling pa ang kaniyang anak?
Si Jon-jon, biktima umano ng kapabayaan ng mga nag-asisteng doktor at nars sa United Doctors Medical Center (UDMC).
Ayon sa inang si Aling Lily, dinala niya sa ospital ang 32-anyos na anak dahil sa simpleng pananakit ng tagiliran.
Matapos isailalim sa mga eksaminasyon si Jon-jon, natukoy na may sakit siya sa baga at kinakailangang makabitan agad ng tubo para matanggal ang tubig dito.
Pero makalipas ang ilang araw na pananatili sa intensive care unit (ICU) ng UDMC, laking gulat ng pamilya ni Jon-jon dahil lalo lang umanong lumala ang lagay ng binata. Lantang gulay na ito o estadong comatose na.
Ngayon, sinasabi ng pamunuan ng UDMC sa pamilya ni Jon-jon na alagaan nalang sa bahay ang pasyente at maghintay ng himala.
Alamin ang ginawang aksyon ng BITAG sa kaso ng pobreng pasyenteng si Jon-jon.
Panoorin ang advance screening ng “UDMC Comatose†mamayang alas-8:00 ng gabi sabitagtheoriginal.com. Magkomento, sa pamamagitan ng bitagtheoriginal.com click “Bitag New Generation.â€