IKATLO ang Pilipinas sa mga bansang mapanga- nib ang buhay para sa mga mamamahayag. Na-ngunguna ang Iraq at pangalawa ang Pakistan, ayon sa Reporters Without Borders.
Sunud-sunod ang pagpatay sa mga mamamaha-yag at walang makuhang proteksiyon mula sa pamahalaan. Kapag may napaslang, sasabihin lamang ng Malacañang na pinakikilos na nila ang Philippine National Police (PNP) para mapanagot ang mga salarin at saka sa dakong huli ay sasabihin na nakikiramay sila sa pamilya nang pinaslang. Ganun lang. Naka-pattern na ang mga sasabihin.
Kamakailan lang may pinatay na lalaking broadcaster at isang babaing tabloid reporter at kahapon ng umaga, isa na namang broadcaster ang itinumba. Niratrat ng riding-in-tandem si Samuel “Sammy†Bravo Oliverio, 57, ng Digos City, Davao del Sur. Pauwi na umano si Oliverio galing sa palengke at kasama ang kanyang misis nang pagbabarilin. Namatay agad si Oliverio dahil sa mga tama ng bala sa katawan at ulo. Si Oliverio ay blocktime radio commentator sa University of Mindanao Broadcasting Network (UMBN) at Ukat Radio. Mabilis na tumakas ang mga salarin. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ang pagiging broadcaster ni Oliverio kaya siya pinatay. Si Oliverio ang ika-28 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng Aquino administration.
Mapanganib ang buhay ng mga mamamahayag. Isa sa mga malagim na pangyayari ay ang Maguindanao massacre kung saan, 30 mamamahayag ang pinaslang. Hanggang ngayon, usad-pagong ang pagÂlilitis sa Maguindanao massacre.
Minsan, sinabi ni President Noynoy Aquino na pabibilisin ang paglutas sa kaso ng mga pinatay na mga mamamahayag. Pero walang nangyayari. Lalo pang lumala ang pagpatay. Dumami ang mga naulila ng mga mamamahayag na itinumba. Kailan makakakuha ng hustisya ang mga kawawang mamamahayag? Kailan sila puprotektahan?