^

Punto Mo

‘Bakit ako?’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Anselmo ang nag-top one sa chemical engineering board exam. Sa 5,000 na kumuha, siya ang sinuwerteng nakakuha ng pinakamataas na marka. Ipinagpalagay niyang milagro ang nangyari dahil average student lang siya.

Lumipas ang maraming taon, nagkaasawa at nagkaanak si Anselmo. Ilang taon ang kanyang hinintay bago nagkaanak. Nang magdadalawang taon na ang bata ay napansin nilang hindi ito makalakad. Noon natuklasang may kakaibang sakit ang bata sa buto.

Sa US lang may espesyalistang doctor sa ganoong sakit. Ilang buwang nanatili ang mag-anak sa US kaya nang umuwi ay ubos ang kanilang naipong pera. Ang masakit, hindi pa natutuklasan ang gamot para sa sakit ng bata. Mga pansamantalang gamot lang ang naibigay upang mabawasan lamang ang sakit na nadarama ng bata.

Awang-awa ang lahat sa bata. Karaniwang sinasabi nila ay “Bakit siya pa ang napili ng Diyos na magkaroon ng ganyang klaseng sakit”. Ang katanungang ito ang madalas din sambitin ng misis ni Anselmo. Minsan, pinagsabihan ni Anselmo ang kanyang misis na huwag nang magsalita nang ganoon na para bang sinisisi nito ang Diyos sa nangyari sa kanyang anak.

Ang paliwanag ni Anselmo, “Nang makakuha ako ng pinakamataas na marka sa board exam, hindi ko tinanong ang Diyos kung bakit ako? Ngayong nakakaranas ako ng problema sa ating anak, wala akong karapatang itanong sa Diyos kung bakit tayo? Ang tanging magagawa natin ay hingin ang Kanyang awa na pagmilagruhan niya ang ating anak kagaya ng milagrong ipinakaloob niya sa akin noon.”

ANSELMO

AWANG

BAKIT

DIYOS

ILANG

IPINAGPALAGAY

KANYANG

KARANIWANG

LUMIPAS

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with