Siklista sa Australia, nag-bike nang patalikod sa layong 337 km

ISANG siklista mula sa Australia ang nagtala ng bagong world record sa pagbibisikleta nang patalikod.

Ang siklista ay si Andrew Hellinga, 46. Nalamangan niya ang naunang record sa pagbibisikleta ng nakatalikod sa layong 157 kilometro. Sa kabuuan, nakapagbisikleta si Andrew nang patalikod sa layong 337 kilometro sa loob ng 24 oras.

Kahit masaya na si Andrew na nalamangan na ang dating world record, inasam pa rin niya na makapagtala nang mas malayo pa upang hindi basta mabura ang sari­ling world record.

Nagsimulang magbisikleta nang patalikod si Andrew noong siya ay teenager pa lamang. Una ay ginagawa niya lamang ito upang magpasikat sa mga kababaihan ngunit nang lumaon, nagagawa na niyang magbisikleta ng patalikod ng mas malayo kaya itinuloy-tuloy na niya.

Ginagawa ni Andrew ang pagba-bike nang patalikod hindi lang para makuha ang world record kundi para rin makalikom ng donasyon para sa mga batang nagugutom sa Zambia.

 

Show comments