“HALOS lahat yata ng tao sa barangay ay galit sa akin dahil ang akala nga ay ako ang dahilan kaya nagpakamatay si Renato. Kumalat nga kasi ang balita na “binabae†ko ang asawa ni Renato. Ikinalat iyon mismo ni Iluminado. Bawat makausap niya ay sinasabi na wala akong kuwentang tao. Pati asawa ng matalik na kaibigan ay pinakialaman. Hanggang sa lahat yata ng mga taga-barangay ay nalaman iyon at ako ang pinagbuntunan ng sisi. Maraming nagaÂlit sa akin. Nakisimpatya sila kay Iluminado na namatayan ng kapatid. Noong una ay napabalitang nalunod si Renato dahil tumawid daw ng lasing. Patay na nang matagpuan at lulutang-lutang sa Ilog ng Pola. Pero sumunod na araw ay biglang kumalat ang balita na hindi nalunod si Renato kundi nagpakamatay ito. At alam mo ba Drew kung kanino nanggaling ang balita?’’
“Kanino po, Sir Basil?â€
“Kay Tiyo Iluminado mo. Sa isang iglap, kumalat ang masamang balita at ako ang lumabas na masama.’’
“Sabi po ni Tiyo Iluminado, wala raw kapatawaran ang ginawa mo sa buhay ng kapatid niya at asawa nito. Kaya nga ‘UOK’ ang tinawag sa’yo. Wala ka raw iginagalang na kahit asawa ng kaibigan ay pinakikialaman.’’
Napailing-iling si Sir Basil.
“Hindi totoo ‘yun, Drew. Ako, kapag nakipagÂkaibi-gan, tapat talaga. Hindi ko iiwanan at hindi ko waÂwaÂlanghiyain. Ang hindi alam ni Iluminado, si Luningning na hipag niya ang nagpakita ng motibo. Tinukso ako para kami magtalik. Alam mo ba ang ginagawa niya para ako maakit?â€
“Ano pong ginagawa?’’
“Nagpapakita siya nang maseselang bahagi ng katawan kapag nag-iisa kami sa bahay. Madalas kaming maiwan dahil nagtatrabaho sa munisipyo si Renato. Tinukso ako ni Luningning!â€
(Itutuloy)