DALAWANG linggo na lamang at umpisa na ng school year 2014-2015. Kahapon, umarangkada na ang “Brigada Eskwela†na ang layunin ay linisin ang mga pampublikong paaralan at masiguro rin ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) ang sinuman na tumulong para sa pagkukumpuni ng mga sirang silya, mesa at ibang gamit sa school. Tatagal ang “Brigada Eskwela†hanggang Mayo 24. Inaasahang matatapos ang paglilinis at paghahanda sa mga paaralan sa loob ng dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 2.
Sa mga nakaraang pagbubukas ng school year, ang numero unong problema ay ang kakulangan sa mga silid-aralan. Hindi na nagkaroon ng balita na hindi kinapos ang mga silid-aralan. Laging nababalita na dahil sa kakulangan ng classrooms, napipilitang sa ilalim ng punongkahoy nagkaklaÂse ang mga estudyante. Mayroon namang sa lobby mismo ng school ay nakalupagi sa maruming semento ang mga estudyante. Mayroon namang ang comfort room ay ginawa na ring classroom dahil sa kakulangan. At mayroong siksikan sa isang classroom (nasa 50 umanong estudyante) at halos magkapalitan na ng mukha. Mayroon pang pangyayari na pinagsasama na ang dalawang grado (halimbawa’y Grade 1 at Grade 2) para mapagkasya sa isang classroom.
Ngayong school year kaya ay maulit ang dating problema? Sabi ng DepEd, sapat na ang classrooms at hindi na magkakaroon ng kakulangan. Nakahanda na umano ang mga classroom sa pagdagsa ng mga estudyante sa Hunyo 2.
Sana, totoo ito at hindi drowing lamang. Kawawa naman ang mga estudyante kung parang sardinas sa rami sa isang classroom. Nakakaawa rin kung sa loob ng comfort room magdadaos ng klase.