NGAYONG nagbitiw na sa puwesto ang mga administrador ng National Food Authority (NFA) at Philippine Coconut Authority (PhilCoA) dapat nang simulan ni Presidential agriculture adviser Francis “Kiko†Pangilinan ang pagwawalis sa Department of Agriculture (DA). Kailangang mawala na ang mga dumi sa DA. Ngayong wala na si NFA administrator Orland Calayag at PCA administrator Euclides Forbes, makakaporma na si Pangilinan para magkaroon ng reorganisasyon. Binabatikos noon ang NFA dahil sa talamak na smuggling at sa pag-angkat ng bigas na tila sobra-sobra sa pangangilangan. Wala umanong kakayahan si Calayag na sawatain ang talamak na rice smuggling.
Wala namang gaanong naririnig kay Forbes mula nang pamunuan ang PhilCoA noong 2010 maliban sa mabagal na rehabilitasyon ng mga napinsalang niyugan sa Visayas region partikular sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Yolanda.
Ngayong wala na ang dalawang opisyal na iniluklok ni Alcala, ipakita ni Pangilinan na kaya niyang ireporma ang NFA at PhilCoA. Sa presscon makaraang panumpain ni P-Noy, sinabi ni Pangilinan na inatasan siya ng Presidente na linisin ang agriculture department na may saklaw sa NFA, PhilCoA at National Irrigation Administration.
Mabigat ang problema sa NFA sapagkat hanggang ngayon, patuloy ang rice smuggling sa bansa. Ang mga kawawang magsasaka ang apektado ng smuggling. Nawawalan sila ng ikinabubuhay sapagkat mas mabenta ang smuggled rice kaysa local na ani.
Isa rin sa dapat tutukan ni Pangilinan ay ang NIA. Kailangan ang irigasyon para matubigan ang maraÂming palayan sa bansa. Kung sapat ang tubig sa palaÂyan, maraming aanihing palay at walang magugutom. Si Kiko na kaya ang makalulutas ng problema? Harinawa.