“AMPON lang pala ang mommy mo nang mga nakilalang magulang,†sabi ni Basil kay Gab.
Hindi makapagsalita si Gab sa pagkabigla. Maski si Drew ay nakatingin lang.
“Kaya pala ganoon na lamang balewalain ang mommy mo ay hindi naman pala siya totoong anak. At ang masaklap pa, nang mamatay ang mga nag-ampon, walang ipinamana sa kanya. Kaya lang hindi na naghabol pa ang mommy mo. Kung ayaw daw sa kanya ng mga nakagisnang magulang e di huwag. Hindi naman siya nagpupumilit. Ang masakit lang daw ay kung bakit pa siya inampon ng mga ito kung ganun din lang pala ang gagawin sa kanya na parang kinawawa. Kung tutuusin naman daw ay hindi naman kasamaan ang kanyang ginawang pagsama sa akin para siya kawawain. At kahit naman daw siya sumama sa akin, hindi naman naging masama ang buhay.
“Sabi ko sa mommy mo, huwag na niyang isipin iyon. Narito naman ako na nagmamahal sa kanya. Ipakikita ko naman sa mga umaping tagapag-ampon niya na maaari ring umasenso ang lalaking minaliit nila.’’
Napaiyak na si Gab. Malungkot nga pala ang nangyari sa kanyang mommy at daddy.
“Kaya pala walang maikuwento si Mommy ukol sa kanyang mga magulang dahil itinakwil siya at hindi pinamanahan. Kaya rin pala wala siyang kapatid ay dahil ampom lang siya. Kawawa pala si Mommy.’’
Napatangu-tango si Basil.
“Kawawa talaga, Gab,†sabi ni Basil. “At alam mo nagsisisi ako kung bakit ba nahilig pa rin ako sa ibang babae makaraan siyang pumanaw. Hanggang ngayon, nakukonsensiya pa rin ako. Hindi ko dapat siya pinalitan. At ang ipinalit ko pa ay isang babaing masama at inapi ka pa. Patawarin mo uli ako Gab sa nagawa ko sa’yo at sa iyong mommy.’’
“Kalimutan mo na ‘yun Daddy, Okey na naman tayo ngayon. Wala nang problema. Siguro hindi ka na magiging ‘uok’ pang muli.’’
“Hindi na Gab. Hindi na maninira si ‘uok’. Hinding-hindi na.’’
(Itutuloy)