ANG pangalan ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang dahan-dahang inaanay habang patuloy na nag-iikot sa mga “tabakuhan†sa Kamaynilaan ang “tong†collectors na ang binabanggit ay ang NCRPO. Kahit ano pang accomplishment ng NCRPO, laban sa kriminalidad o ano pa man, natatabunan ito ng pagwasiwas ng “tong†collectors sa pasugalan, putahan, beerhouse, nightclubs at iba pang pagkakakitaan. Abot langit ang sigaw ni Valmoria na talagang ipinatutupad niya ang “no take†policy ni DILG Sec. Mar Roxas, subalit kung itong patuloy na “tong†collection na gamit ang NCRPO ang gagawing basehan, mukhang bulag siya sa nangyayari sa kalye. At sino ang dapat sisihin? Habang tahimik kasi si Valmoria sa kalakaran sa tabakuhan sa Metro Manila, ang paniwala ng mga kosa ko sa Bicutan, ay may basbas niya ang pag-orbit ng mga kalalakihan sa Kamaynilaan. Hehehe! T’yak ‘yun! Kaya dapat arukin ni Valmoria ang lihim ng “Guadalupe†para hindi magisa ang pangalan niya sa ilegal, bago siya ma-promote sa Camp Crame sa darating na mga araw. Get’s n’yo mga kosa?
Kung walang tiwala si Valmoria sa kapasidad ni Sr. Supt. Elmer Cabreros, ang intelligence chief ng NCRPO, puwede n’yang kunin ang tulong ng mistah n’yang si CIDG chief Dir. Benjie Magalong para matiyak na hindi “bukol†ang inabot niya habang hepe siya ng NCRPO. O di kaya, lapitan niya si Chief Supt. Badong Ramos, ang hepe rin ng Intelligence Group (IG) sa Camp Crame. Kapwa kasi may sariling “orbit†sa pasugalan ang tropa nina Magalong at Ramos kaya madali nilang ma-counter check ang kalakaran sa kalye. ‘Ika nga, ang mga “tong†collectors ng NCRPO, CIDG at IG, maging ang NBI, DI at GAB, ay halos nagbabanggaan lang ng mukha sa kalye kaya magkakilala sila. May pagkataon pa na iisang “kolek-tong†ang gamit nila, di ba mga kosa? Hehehe! Sa ganitong sistema ang “tong†collectors pa ang mabilis yumaman kaysa sa mga amo nila. Mismo!
Sa totoo lang, nasa tabi lang ni Valmoria ang mga taong yumuyurak ng pangalan niya sa kalye. Kahit deny to death pa itong kababayan ko na si Chief Supt. Allen Bantolo, ang chief directorial staff ng NCRPO, eh siya talaga ang itinuturo ng mga kosa ko sa Bicutan, na nasa likod ng orbit ng “bata†n’ya na si Sr. Insp. Gilbert Cruz, na dating kasama niya sa Task Force Maverick sa CIDG. Itinago pa si Cruz sa MPD Station 1 para hindi maamoy ang baho nila subalit sa panahon ngayon ng hi-tech gadgets, sisingaw at sisingaw din ‘yan, di ba mga kosa? At dahil halos araw-araw magkasama sina Valmoria at Bantolo ang suspetsa sa kalye ay magkakutsaba sila sa pag-oorbit na ito ng mga kalalakihan sa pasugalan at iba pang ilegal. T’yak ‘yun!
Wala ring sawa sa pag-text sa akin ng mga kosa ko tungkol dito sa paglabag ng mga kalalakihan sa “no take†policy ni Roxas. Ang buod ng isang text ay ganito: “Eto mga umeepal sa Bicutan, JOJO CRUZ NPD, NOEL DE CASTRO MPD, FALWART QCPD ED MATTI EPD, & MIGUEL IRINCO SPD. Tapos binibigay nila (nakolektang pera) kay COL MACARAEG chief R2 at GEN. BANTOLO, CDS NCRPO.â€
Ikaw na ang bahala umarok kung ano ang ibig sabihin ng text na yan Gen. Valmoria Sir! Abangan!