MAY mga babaeng bugbog sarado na subalit kahit anong gawin nila hindi nila makalasan ang kanilang mga mister. Kapag ipinaliwanag naman sa kanila na sila’y biktima ng ‘battered wife syndrome’ itinatanggi nila ito. “Sa harap ng asawa ko, para mapatuyan ko lang na wala na halaga ang aking buhay kapag wala siya naglalas ako ng magkabilang pulso,†ani She. Si Sherryl Adora o “Sheâ€, 33 anyos ay dalawang taon na umanong nakakaranas ng matinding pang-aabuso sa asawang si Richard ‘Chard’ Adora, 32 taong gulang, mekaniko sa isang trucking company. Tubong Bulan, Sorsogon si She. Sa edad na Kinse anyos lumuwas siya ng Maynila para mamasukang kasambahay sa tiyahin ng kanyang ama. Taong 1998, lumipat ng Pasay si She, sa isa pang tiyahin at nakapagtrabaho sa pagawaan ng sapatos sa Parañaque at dito na umupa, sa Riverside. Nakilala ang noo’y 17 anyos na si Chard, estudyante ng Guzman College ng kursong Auto Diesel Technician. Pilyo at palabiro, ganito daw si Chard sa kanya. “ ‘Pag dadaan ako pinapatid niya ko o winiwisikan ng binutas na ice tubig,†pag-alala ni She. Minsan habang nakatambay sina She, bigla na lang siyang inakbayan ni Chard sabay halik sa labi nito. Mula nun nag-‘date’ na daw sila. Nang malaman ng ama na may boyfriend na siya, pinapunta siya sa kanyang lola sa Quezon City, sa factory ng panty at bra. Pinaglayo sila ni Chard. “Hindi rin naman kami sumunod. Kapag wala ang lola ko, ako lang nasa bahay tabi kaming matulog ni Chard…†ani She. Sa mga papuslit-puslit na pagtatabi nabuntis itong si She. Umuwi siya ng probinsya kasama si Chard at sinabi sa kanyang magulang na buntis na siya. “Wala na silang nagawa kahit ayaw nila kay Chard pinanagutan naman niya ko,†kwento ni She. Pagbalik ng Maynila, nagsama sila sa bahay nila Chard sa Paranaque. Nagpatuloy ng pag-aaral si Chard hanggang makagraduate at nakapagtrabaho bilang gasoline boy. Umabot sa lima ang kanilang anak. Unti-Unti silang nakapagtayo ng bahay sa Riverside. Naging mekaniko si Chard sa isang trucking company hanggang sa kasalukuyan. Wala naman umanong problema sa pagsasama nila hanggang madestino sa Sta. Rosa, Laguna ang asawa. Taong 2013, nagsimulang makatanggap siya ng mga ‘text messages’ na sinabasabing pakiramdaman daw niya ang mister.
“Ang asawa mo pagkatapos ka kausapin sa cellphone nandun na sa babae niya. Puntahan mo ang asawa mo tignan mo kung nasa higaan siya,†text daw sa kanya. Mula Paranaque, pumuntang Sta. Rosa si She at dumiretso sa barracks kung nasaan ang mister. Wala nga sa kama si Chard subalit nandun ang kanyang bag. Tinanong niya ang mga kasamahan ni Chard, sabi nila bumabyahe daw ito. “Nung kinumpirma ko sa amo niya nalaman kong wala naman daw utos,†anya ng misis. Nalaman na lang ni She na nasa katabing bahay ng barracks itong mister, bakod lang ang pagitan at may babae na umano na kinilala daw niyang si “Raizaâ€. Hinintay ni She si Chard, sa eskenita niya ito inabutan na tumalon lang umano mula sa bakod nitong babae. “Ilabas mo babae mo!†salubong ng misis. Tinanggi ni Chard na meron siyang babae at sinabing sa bahay na sila mag-usap. Hindi napaamin si Chard kahit anong piga kaya’t hinayaan na niya. Unti-unting nagbago ang pakikitungo ng mister sa kanila. Nagsimula na daw siya nitong pagbuhatan ng kamay maging ang mga anak niya nabubugbog na. Dito na naisip ni She na harapin ang babae ng mister. Nagpunta siya sa bahay nito at nakausap daw mismo ang ina ni Raiza. “Sabi niya paghihiwalayan niya ang dalawa…†wika ni She. Nagharap din sina She, Chard at Raiza, pinalabas daw nila Chard na hiwalay na sila pero nalaman ni She na bago pa sila magkita, una ng nagtagpo ang dalawa. “Alam kong nag-usap sila, palabas lang ang lahat. Sa sama ng loob naglalas ako ng dalawang pulso sa harap ng asawa ko,†ani She. Ang mister din ang nagpatahi ng kanyang sugat kaya’t nung araw na yun nagkaayos din sila. Ayon kay She, nagpatuloy ang relasyon nila Chard at Raiza, meron na rin daw silang anak. Nanatili naman si She sa asawa at patuloy pa rin ito sa pambubugbog sa kanya. Dumating sa puntong pinakulong niya ito sa barangay matapos daw siyang suntukin sa ulo. Nitong huli, Biyernes Santo, hinayaan niyang makipag-inuman si Chard sa mga barkada nito, sa kapitbahay (walong bahay lang ang pagitan). “Basta ang usapan magsisimba kami,†ani She.
Umabot na ang 4:00 pasado ng hapon ‘di pa rin umuuwi ang mister kaya’t sinundo na niya ito. “Tama na yan! Akala ko ba magsisimba tayo? Anong oras na!†ani She. Bigla siyang nilabas ng asawa… galit na galit ito. “Pinagsusuntok na niya ako. Ang bilis ng kamay niya kung saan-saan na ako tinamaan. Pinansalag ko ang dalawang kamay ko pero tinulak niya ko sa daan at saka kinaladkad. Hila-hila ang buhok ko winasiwas niya ko sa daanan… sa tulay,†pagsasalarawan ni She. Ganito man ang tindi ng sinapit sa asawa nagkaayos din daw sila. Nitong Abril 27, 2014 kaarawan ng isa nilang anak, hindi siya umuwi ng bahay. Nag-away silang muling mag-asawa. Gustong malaman ni She ang ligal na hakbang maari niyang gawin kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.
Itinampok namin si She sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 KHZ, AM BAND (Lunes-Biyernes mula 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN). SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sinabi sa amin ni She na ang gusto niyang mangyari, ay maghiwalay na ng tuluyan itong Chard at Raiza at kung may anak na sila susustentuhan na lang ito ng kanyang mister. Pinaliwanag namin kay She na hindi namin mapipilit itong si Chard na bumalik sa kanya kung ayaw na nito. Pinayuhan namin siya na huwag na rin ipilit ang sarili sa asawa at kung handa na siyang kasuhan ito maari niya itong sampahan ng ‘Concubinage’ dahil sa kanyang pakikiapid sa ibang babae habang sila’y kasal pa, Violation of R.A 9262 para sa pambubugbog sa kanya at Petition for support naman para sa sustento ng kanilang mga anak, Hindi naman makakaligtas sa aming paningin kung saan papunta ang isip ni She. Sa laki ng kanyang pag-ibig kay Chard, mas gugustuhin niyang sirain na ang lahat upang wala ng makisalo pang iba matapos niya. Paano naman ang kinabukasan ng kanilang mga anak? Ganun na lang ba yun? (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.