^

Punto Mo

Maaasahan ang Diyos

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

SA gitna ng problema at pagsubok mayroon tayong masasandalan at maaasahan. Iyan ay walang iba kundi ang Diyos.

God is greater than all things. Ito ang salin ng salitang El Shaddai. Maraming pangako ang Diyos sa atin. At madalas ang tanong natin ay: Matutupad kaya ito? Kailan kaya ipagkakaloob? Wala tayong sagot diyan dahil Siya lang ang nakakaalam. Pero manalig tayo at maniwala na ang Diyos ay totoo sa lahat ng kanyang mga binibitiwang salita na lahat ng Kanyang sinabi ay gagawin Niya. Ang Diyos natin na may kakayanang punan ang lahat ng ating pangangailangan; ang Diyos na alam ang gagawin at paano gagawin ang mga bagay; ang Diyos na sapat; ang Diyos na makapangyarihan. Maghintay ka. Maniwala. Diyan ka lang. Kumapit ka. Darating ang Diyos sa iyo sa panahon at paraang kailangan mo Siya.

God is greater than all our doubts. Mas makapangyarihan ang ating Diyos kaysa sa ating mga pangamba at pagdududa. Ito ang forte ng devil, ang bumulong ng mga bagay na pagdududahan at kukwestiyunin mo. Pero ang katotohanan, lahat ng ipinangako ng Diyos ay ipagkakaloob Niya at ang papel natin ay sumunod sa utos Niya at manalig. Huwag magduda dahil gagawin Niya ang sinabi. Maghintay. Maniwala. Sumunod. Tanggapin ang biyaya. Ito ang formula sa tamang paghihintay para sa blessings. Bahagi ng pagtanggap ang paghihintay.

God is greater than my weakness. Sabi nga “Come to me all you who are weary and I will give you rest.”

Ang tunay na panggaga­lingan ng ating lakas kapag tayo ay pinanghihinaan na ng loob ay pawang ang Panginoon, na bukod tanging ka­yang gawing posible ang mga sa mata natin ay imposible. Kapag tayo ay sumandal sa Kanya sa oras ng kahinaan, doon tayo nagiging malakas.

God is greater than my past. Marami sa atin ang hindi makausad sa buhay dahil sa sinapit sa nakaraan. Mistulang mga preso ng kahapon.

Ipagdasal na tulungan ka Niyang itama ang iyong naging pagkakamali, na ikaw ay biyayaan at gabayan, at hayaang siya ang umakay sa iyo patungo sa magandang kinabukasang ipinapangako Niya.

ANG DIYOS

DIYOS

EL SHADDAI

MAGHINTAY

MANIWALA

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with