^

Punto Mo

Ang Bastos na Mayor

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw ng 2005, may pulitikong  sapilitang tinanggal sa kanyang posisyon sa gobyerno  dahil sa  masamang biro na ginawa niya sa isang lalaking homeless.

Noon ay araw ng pagbubukas ng Wine Festival sa Bremen City, Germany. May itinayong stage sa gitna ng kalye kung saan isasagawa ang opening ceremony. Ang naatasang mamuno ng programa ay ang Lord Mayor na si Peter Gloystein. Bubuksan niya ang bote ng champagne,  isasalin sa baso, tapos itataas niya ang baso at sisigaw ng “cheers”. Ngunit binago niya ang nasa script ng programa. Ewan kung ano ang pumasok sa kukote ni Gloystein. Ibinuhos niya ang laman ng champagne bottle  sa ulo ng namataan niyan homeless man na nanonoood ng seremonya sa gilid ng stage. Sabay sabi habang nakangisi: “Narito ang alak para sa iyo, inumin mo”.

Gumuhit ang galit sa mukha ng nabiglang homeless man. Ang mga taong nanonood sa programa ay shocked sa nasaksihan. Natahimik ang lahat. Maluha-luhang nagsalita ang lalaking binuhusan sa ulo na napag-alamang si  Mr Oelschläger: Sino ka para gawin mo sa akin ang kabastusang ito? Astang lalapitan sana ni  Mr Oelschläger si Gloystein pero mabilis na pinalibutan ito ng bodyguards.

Nakita at nadama ni Gloystein ang galit sa mukha ng mga taong nakapaligid sa stage. Bigla itong bumawi. Nilapitan ni Gloystein ang lalaki at humingi ng paumanhin. Iniabot niya ang business card at inalok ng pera. Kasamang inalok din ang kanyang Montblanc pen na nagkakahalaga ng 150 Euro. Nagpaliwanag ito na nagbibiro lang daw siya.

“Matapos mo akong hiyain at pinagmukhang tanga, aalukin mo ako ngayon ng pera? Kahit ako ay mahirap, walang presyo ang aking dignidad, kagalang-galang na mayor.”

Tila nahihiyang nagpaliwanag ang mayor sa madlang pipol na nakatingin ng masama sa kanya. Gustong magpalusot: Isusubo ko sana sa kanya ang bote ng alak pero

Gumalaw ang kanyang mukha kaya napabuhos ito sa kanyang ulo.

Lingid sa kanyang kaalaman, isang photographer ng diyaryo ang  maagap na nakuhanan ang pangyayari kaya kinabukasan ay nakabandera ang mga litrato, frame by frame shots ng insidente. Nagbunga ito ng panawagang magbitiw siya sa lahat ng government position na hinahawakan niya simula pa noong 2004: The Lord Mayor and Senator for Economics and Harbours, at Senator for Culture in the Free Hanseatic City of Bremen. Noong May 2005 ay napilitan siyang magbitiw sa tungkulin. Ipinahamak siya ng kanyang kabastusan.

BREMEN CITY

ECONOMICS AND HARBOURS

FREE HANSEATIC CITY OF BREMEN

GLOYSTEIN

LORD MAYOR

LORD MAYOR AND SENATOR

MR OELSCHL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with