62. Kung may problema sa pagtulog, mas mainam na komunsulta sa doktor na espesyalista sa sleep problem.
63. Unahan mo sa pagtulog ang iyong asawang malakas humilik para himbing na himbing ka na kapag naghihilik na siya.
64. Magyakap o mag-holding hands ang mag-asawa kahit 10 minuto bago matulog. Nagdudulot ito ng calming effect.
65. Makipaglaro muna sa iyong favorite pet bago matulog. Nakakabawas ito ng stress.
66. Ayon sa isang pag-aaral ng UCLA, nakakabawas ng stress ang pakikipagkuwentuhan sa kaibigang babae dahil mas sympathetic silang tagapakinig.
67. Kapag nagpaplano ng gagawin kinabukasan, plaÂnuhing tapusin muna ang pinakasimpleng gawain para hindi ka makadama ng pressure.
68. Kung hectic ang schedule, huwag mong isakripisyo ang pagtulog. Iwasang magpuyat.
69. Ilang araw na huwag magbasa ng diyaryo at manood ng TV. Nakakabawas ng stress ang pag-iwas sa mga nabanggit.
70. Kung nagpupumilit pa rin sumiksik sa utak ang mga problema habang nagpapaantok, subukan mo ang audio book. Mawawalan ng chance ang iyong problema na magsumiksik sa iyong utak.
71. Magmedyas pagtulog. Subukan ninyo, nakakaginhawa ito ng pakiramdam.
72. Wisikan ng lavender scent ang punda ng una. NakakaÂgaling ito sa may mild insomia.
73. Mag-brisk walking (30 minuto lang) 4 na oras bago matulog.
74. Mag-yoga 4 na oras bago matulog.
75. Mag-swimming (30 minuto) 4 na oras bago matulog.
(Itutuloy)