“MARAMING pagkain sa hapag. Kumain daw ako nang kumain, sabi ni Osang. Pinagsilbihan niya ako. Para bang ako ay isang hari na pinagsilbihan ng isang alipin,†pagkukuwento ni Basil at makaraan iyon ay napailing-iling.
“Bakit po Sir Basil?â€
“Kasi’y alam kong may mga kasunod pa ang pagtatalik namin ni Osang. At ang hindi ko maintindihan ay nangyari ang aming unang pagtatalik na hindi pa halos kami gaanong nagkakakilala. Kumbaga, masyadong mabilis ang aming pagtatagpo at makalipas lamang ang ilang oras ay may nangyari na. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nangyayari sa akin. Mabilis akong nakakatagpo ng babaing makakaulayaw na sa dakong huli ay may masama namang mangyayari.’’
“Ano naman po ang sinabi ni Osang? Ano ang dahilan at agad-agad kayong nagkaroon ng relasyon gayung nagka-kilala lamang kayo sa may tindahan at nagtanong lamang sa’yo ng address?â€
“Maski siya ay hindi maipaliwanag kung bakit nagkaganoon. Ni hindi nga niya maipaliwanag na marami pala siyang nainom na alak. Hindi nga raw niya alam kung bakit napakialaman ang alak na koleksiyon daw ng kanyang asawa.’’
“Nakakamangha pala ang nangyari, Sir Basil.’’
“Medyo kakaiba ang nangyari sa amin ni Osang, Drew. Marami pang nangyari sa amin na hindi ko talaga maipaliwanag.’’
“Halinbawa po’y ano?â€
“Gusto ni Osang na anaÂkan ko siya. Imposible raw na mabuntis pa siya ng kanyang asawa dahil nga may edad na. Kung ako raw ang makakabuntis sa kanya, magpapa-salamat siya.’’
“Paano pong ginawa mo? Nabuntis ba si Osang?â€
“Hindi ko na nalaman ang nangyari makaraan ang mga pagtatalik namin ni Osang.â€
“Nagkahiwalay na kayo ni Osang?â€
“Oo.â€
“Paanong paghihiwalay?â€
“Pagbalik ko sa bahay niya, wala nang tao roon. At alam mo ang nabalitaan ko, pinagbenta na ang bahay nila. At alam mo kung kanino ko nalaman?â€
“Kanino po?â€
“Dun sa traysikel drayber na sinakyan namin ni Osang nang una kaming magkakilala.’’
(Itutuloy)