‘Byahilo’
KARAMIHAN sa mga taga probinsiya na hirap sa buhay ang tingin sa Maynila mas may pagkakataon silang makakuha ng magandang trabaho na ikauunlad ng kanilang buhay sa sikip ng kompetisyon, hindi lahat ng panaginip sa paggising mo maganda na ang buhay.
“Sa kakarampot na kinikita ko hindi ko naman itataya ang aking buhay para sa aking trabaho. Ang taong hilo, pilitin mong magmaneho ay maaaring ikamatay nito o ika disgrasya ng iba.†wika ni Leopoldo.
Si Leopoldo Sagaoinit, 53 taong gulang ay isang Pangasinense. Pagmamaneho ng mga sasakyan at delivery trucks ang kanyang ikinabubuhay. “Hanggang Grade 3 lang naman po ako…†ani Leopoldo. Ganun pa man, nataguyod niya ang kanyang tatlong anak. May marangal na trabaho at ang isa ay pinalad na makapag-abroad.
“Nakakaraos naman, nagda-drive ako noon ng mga trak at pribadong sasakyan,†wika niya.
Taong 2002 nang mag desisyon si Leopoldo na umalis sa Pangasinan papunta sa Maynila para makahanp ng mas magandang trabaho. Isang kaibigan ang nagrekomenda sa kanya bilang driver sa Montano Alvarez Enterprises. Kung saan tiyuhin nito ang may-ari na si Montano Alvarez. Naging maayos ang kanyang pamamasukan noon. Sa katunayan halos mag lalabing dalawang taon na siyang nagmamaneho sa kumpanyang ito at binabayaran siya ng 450.00php kada biyahe na ngayo’y 550php matapos ang ilang buwan. Umabot ng isa hanggang dalawang linggo siyang hindi nakapasok dahil sa kanyang sakit.
“Tawagan ka na lang namin,†sagot ni Jean kay Leopoldo nung itinanong nito kung kelan ulit siya bibiyahe.
Si Jean Alvarez ang pumalit sa posisyon ng kanyang ama nung umalis ito papuntang Amerika.
“Ilang balik na po ako sa kanila, sasabihin ‘wala pa pong pangarga, tatawagan na lang kita.’ Babalik na naman ako sabi ipakakabit daw yung alternator, hindi naman pinapagawa,â€
Mahigit dalawang buwan na balik nang balik si Leopoldo ngunit ang parehong dahilan pa rin ang ibinibigay sa kanya. Labing dalawang taon nang nagbibigay ng tapat na serbisyo si Leopoldo sa kumpanya pero wala silang natatanggap na benepisyo sa kadahilanang per biyahe daw sila binabayaran. Lumapit si Leopoldo sa National Labor Relations Commission upang idulog ang kanyang suliranin hinggil sa hindi na pagpapasok dito sa trabaho. Ang Single Entry Approach o SENA ng NLRC ay paghaharapin sila ng kanyang employer upang sila’y pag-ayusin o pagkasunduin.
Itinampok namin si Leopoldo sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pinahahalagahan namin ang karapatan ng mga manggagawa na makuha nila ang tamang benepisyo bilang kapalit ng kanilang tapat na serbisyo. Ang dahilan ng Montano Alvarez Enterprise ay wala umanong employee-employer relationship, na siya ay kontraktuwal lamang. Pinabulaan ni Leopoldo nang kanyang sabihin ng na labing dalawang taon na siyang nagtatrabaho doon. Meron siyang kongkretong ebidensiya na magpapatotoo nito, ang mga pay slips na kanyang tinatanggap buwan-buwan.
Sila ay nag he-hearing ngayun sa SENA at meron pa silang isang hearing subalit ngayon pa lang inaalok na siya ng Php40,000 pesos na kanya namang tinanggihan. Pagkatapos nito kapag hindi pa rin sila nagkasundo ay ang Arbiter na ang mag dedesisyon tungkol sa kasong ito. (KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.
Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahatâ€. Lunes-Biyernes 2:30PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Sa DWIZ 882 KHZ AM BAND.
Makinig rin kayo ng prograÂmang “PARI KO†tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna.
Sa mga taong may problemang medikal, walang kakayahang magpagamot maari din kayong lumapit sa tanggapan ng “PUSONG PINOYâ€, sa parehong address: 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City, Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga. Huwag niyo kalimutang magdala ng photocopy ng inyong ‘Updated Medical Abstract’. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY†tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Sa DWIZ 882KHZ, AM BAND.
- Latest