^

Punto Mo

Mga Tunay na Kuwento ng Karma

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ganti ng Pugot na Ulo

Si Sigurd Eysteinsson (aka Sigurd the Mighty, nabuhay mula 875–892) ay naging second Viking Earl of Orkney, na namuno sa pananakop ng northern Scotland. Sa isang pakikipaglaban, napatay niya ang kanyang kaaway na si Máel Brigte. Noong araw, pangkaraniwan nang ginagawa ng mga mandirigma na bitbitin ang pugot na ulo ng kanyang natalong kaaway dahil ito ang nagsisilbing tropeo sa kanyang tagumpay. Itinali ni Sigurd ang pugot na ulo ni Mael sa kanyang kabayo. Habang nakasakay sa kabayo, napakiskis ang ngipin ng pugot na ulo sa sugat ni Sigurd. Nagkataong may gum infection pala si Mael at iyon ay humawa sa sugat  ni Sigurd. Doon nagsimulang kumalat ang infection sa buong katawan ni Sigurd na kaagad niyang ikinamatay.

Magnanakaw ng Buto

Si Dr. Michael Mastromino ang nagtatag ng Biomedical Tissue Services (BTS) sa Fort Lee, New Jersey. Nagbebenta sila ng human bones, organs, tissue at ibang body parts. Ngunit noong October 8, 2005, ipinasara ng U.S. Food and Drug Administration ang BTS company ni Mastromino dahil nabisto nilang ang mga body parts na ibinebenta nila ay ninanakaw nila mula sa bangkay na nakapila for cremation. Pinepeke nila ang papeles na kunwari ay may permiso  ito mula sa pamilya ng namatay. Ang mga  bones, organs at tissue na ninakaw  ang ibinebenta nila sa medical companies. Noong July 7, 2013 ay namatay si Michael dahil sa bone cancer.

(Itutuloy)

BIOMEDICAL TISSUE SERVICES

BRIGTE

DR. MICHAEL MASTROMINO

DRUG ADMINISTRATION

EARL OF ORKNEY

FORT LEE

MAEL

NEW JERSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with