^

Punto Mo

Mga tunay na kuwento ng Karma

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang Bala sa Punongkahoy

May nagugustuhan nang mas magandang babae si Henry Ziegland kaya nakipag-break siya sa kanyang nobya. Sa sobrang sama ng loob, ang nobyang si Amanda ay nagpakamatay. Hinanting ng kuya ni Amanda si Henry. Na­tiyempuhan niya itong nag-eehersisyo sa kanilang bakuran malapit sa malaking puno. Binaril nito si Henry ngunit sa puno tumama ang bala. Tumakas ang kuya ni Amanda at hindi na nagpakita pa kahit kailan.

Dumaan ang ilang taon at kailangang tanggalin ang malaking puno sa bakuran nina Henry. Upang maging mabilis ang pagtanggal, pinasabog ni Henry ang puno gamit ang dinamita. Kasabay ng pagsabog ng punongkahoy, ang bala na bumaon sa puno ay nakawala at tumalsik sa ulo ni Henry. Kaagad namatay si Henry.

Ang Tumututol sa Paggamit ng Helmet

Noong 2011, mga 550 motorcyclists ang sumali sa anti-helmet rally sa Onondaga, New York City. Isa sa tumututol sa Helmet Law ay si Philip Contos.  Ang lahat ng kasali sa rally ay buong yabang na nakasakay sa kanilang magagarang motorsiklo nang walang helmet at nag-ikot sa buong Onondaga habang isinisigaw nila ang kanilang pagtutol.

Habang nagpaparada ang mga raliyista, ang motorsiklo ni Philip ay nagkaroon ng problema.

Humiwalay ito sa grupo at tinesting sa isang bakanteng lote ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo upang makita kung saan ang problema. Hindi niya napansin na may batong nadaanan ang gulong kaya sumirko ang motorsiklo at tumilapon si Philip. Unang tumama ang ulo niya sa kalsadang semento at kaagad na namatay. Ayon sa mga otoridad na nakasaksi sa nangyari, hindi sana namatay si Philip kung may suot itong helmet.

(Marami pang kasunod…)

AMANDA

ANG BALA

ANG TUMUTUTOL

AYON

HELMET LAW

HENRY

HENRY ZIEGLAND

NEW YORK CITY

PHILIP CONTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with