^

Punto Mo

Hindi takot madiyaryo si Gen. Bantolo

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DENY to death si Chief Supt. Allen Bantolo tungkol sa “tong collection” activities nina SPO2 Noel de Castro at SPO1 Jojo Cruz gamit ang NCRPO. Iginigiit ni Bantolo sa mga ka­usap niya na “no take” talaga ang NCRPO hindi lang sa mga pasugalan kundi maging sa putahan, beerhouse at iba pang ilegal. Subalit habang nagdi-deny si Bantolo patuloy naman ang pag-iikot nina De Castro at Cruz sa Kamaynilaan para kumalap ng pitsa. Maging ang mga kosa ko sa Bicutan ay nagpatotoo nito. Kaya lumalabas tuloy na puro laway lang itong binibigkas ni Bantolo na “no take” policy at ‘ika nga, ay smokescreen lang sa totoong nangyayari sa kalye. Sinabi ng mga kosa ko sa Bicutan na ang nakolektang pitsa nina De Castro at Cruz ay nire-remit kay Senior Insp. Gilbert Cruz, na naka-assign sa Station 1 ng MPD, tuwing Lunes. Nitong linggo ang abutan ng intelihensiya ay sa Tiendesitas sa Pasig City, ayon pa sa mga kosa ko sa Bicutan. Ayon naman kay NCRPO spokesman Supt. Robert Domingo, si Cruz ay naka-schooling at puro tsismis lang ang balitang sangkot ito sa tong collection. Subalit idinidiin ng mga kosa ko sa Bicutan na si Cruz ay sagradong bata ni Bantolo maging noong nasa Task Force Maverick pa sila ng CIDG. Pero hindi ko sinasabi mga kosa na ang tinatanggap ni Cruz na pitsa kina De Castro at Cruz ay nire-remit din niya kay Bantolo ha? Hehehe! Kahit anong tago n’yo maaamoy din kayo, di ba mga kosa? Mismo!

Sinabi ng mga kosa ko sa Bicutan na noong nasa Task Force Maverick at Intelligence Group (IG) pa si Bantolo, hindi masyadong naibando ang kalakaran nila. Subalit nang nasa NCRPO na siya, kaliwa’t kanan ang puna sa mga bataan n’ya. Bakit kaya? Baka naman mababagsik ang mga alagang doberman ni Bantolo sa ngayon? Tiyak ‘yun!

Wala naman kaming away ni Bantolo at lalong hindi ako nagpapansin sa kanya. Sa totoo, lang idol ko siya dahil sa nagdaang mga accomplishments n’ya. ‘Ika nga, trabaho lang at wala namang personalan Gen. Bantolo Sir. At higit sa lahat, marami ang nagsusumbong na bola-bola kamatis lang ang “no take” policy ni Bantolo at nais kong maiparating ito sa kanya para umaksiyon siya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

 Hindi lang ‘yan? Mukhang may tamang duda na rin itong si Bantolo. Ikinukuwento kasi ng mga kosa ko sa Bicutan na kung sinu-sino na lang ang pinagsususpetsahan ni Bantolo na nasa likod ng pagsiwalat sa diyaryo tungkol sa tong collection ng bataan niyang si Cruz. Meron siyang pinagsuspetsahang opisyal ng pulis, sibilyan at gambling lords. Iginigiit din ni Bantolo na hindi sila natatakot madiyaryo araw-araw dahil hindi naman totoo ang bintang laban sa kanila. E bakit naghahanap pa kayo ng padrino?

Ngayon mga kosa, naniniwala ba kayo na “no take” policy talaga ang NCRPO  sa pasugalan, beerhouse at putahan? Tanong lang, bakit walang kaba ang gambling lords at financiers ng mga ilegal sa ngayon di tulad noong panahon ni dating CIDG director Dir. Frank Uyami na puro tension at nerbiyos ang inabot nila? Puro hagupit kasi ang mga bataan ni Uyami noon kaya tiklop ang gambling lords samantalang ang mga raid ng NCRPO sa ngayon ay para pampataas lang ng weekly tara, di ba mga kosa? Abangan!

BANTOLO

BICUTAN

CRUZ

DE CASTRO

KOSA

LANG

SUBALIT

TASK FORCE MAVERICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with