SAAN ba talaga ipinanganak si Hesus? Sa kulungan kaya ng mga hayop na madalas banggitin sa Christmas story? Ano ba ang totoo?
Matagal pa ang due date ni Mary nang dumating sina Mary at Joseph sa Bethlehem kaya marami pa silang oras para maghanap ng kanilang matutuluyan. Ayon sa Bibliya (King James Version), natapos na ang dalawa sa kanilang pagpapatala nang nakaramdam ng pagsakit ng tiyan si Mary.
Kung natapos ng mag-asawang Joseph at Mary ang pagpapatala bago nakaramdam ng pagsakit ng tiyan si Mary, malaki ang posibilidad na nakahanap ng kamag-anak ang dalawa para dito makituloy. Kung totoong sila ay naghanap ng “inn†(pampublikong bahay-panuluyan) bakit walang nabanggit na “innkeeper†sa Bibliya?
Ayon sa biblical archeology experts, si Hesus ay posibleng ipinanganak sa residential house. Ngunit dahil siksikan ang mga bisita, naubusan sila ng espasyo sa bedroom o kahit sa salas kaya sa isang sulok ng bahay na lang sila napapunta kung saan itinatago ang pagkain ng mga hayop o mga gamit sa pangangalaga ng hayop. Ilang beses binanggit sa scripture na ang sanggol na nakabalot sa lampin ay inihiga sa sabsaban (kahoy na patungan ng damong pagkain ng hayop) pero walang binanggit na may hayop silang kasama sa lugar ng pinanganakan.
Ang totoo, ang eksenang kulungan ng hayop ay pinauso lang ng mga manunulat ng Christmas story para sa dramatic effect ng pagsilang ng anak ng Diyos. Di ba’t hindi rin totoong mahaba ang buhok ni Hesus. Ang imaheng iyon ay mula lamang sa malikhaing ilusyon ng artist.
Source: The Longer-Lasting Inspirational Bathroom Book, W.B. Freeman; Bible, Luke 2: 7, 12, 16.