^

Punto Mo

Hindi sa Sabsaban Isinilang si Hesus

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SAAN ba talaga ipinanganak si Hesus? Sa kulungan kaya ng mga hayop na madalas banggitin sa Christmas story? Ano ba ang totoo?

Matagal pa ang due date ni Mary nang dumating sina Mary at Joseph sa Bethlehem kaya marami pa silang oras para maghanap ng kanilang matutuluyan. Ayon sa Bibliya (King James Version), natapos na ang dalawa sa kanilang pagpapatala nang nakaramdam ng pagsakit ng tiyan si Mary.

Kung natapos ng mag-asawang Joseph at Mary ang pagpapatala bago nakaramdam ng pagsakit ng tiyan si Mary, malaki ang posibilidad na nakahanap ng kamag-anak ang dalawa para dito makituloy. Kung totoong sila ay naghanap ng “inn” (pampublikong bahay-panuluyan) bakit walang nabanggit na “innkeeper” sa Bibliya?

Ayon sa biblical archeology experts, si Hesus ay posibleng ipinanganak sa residential house. Ngunit dahil siksikan ang mga bisita, naubusan sila ng espasyo sa bedroom o kahit sa salas kaya sa isang sulok ng bahay na lang sila napapunta kung saan itinatago ang pagkain ng mga hayop o mga gamit sa pangangalaga ng hayop. Ilang beses binanggit sa scripture na ang sanggol na nakabalot sa lampin ay inihiga sa sabsaban  (kahoy na patungan ng damong pagkain ng hayop) pero walang binanggit na may hayop silang kasama sa lugar ng pinanganakan.

Ang totoo, ang eksenang kulungan ng hayop ay pinauso lang ng mga manunulat ng Christmas story para sa dramatic effect ng pagsilang ng anak ng Diyos. Di ba’t hindi rin totoong mahaba ang buhok ni Hesus. Ang imaheng iyon ay mula lamang sa malikhaing ilusyon ng artist.

Source: The Longer-Lasting Inspirational Bathroom Book, W.B. Freeman; Bible, Luke 2: 7, 12, 16.

 

vuukle comment

ANO

AYON

BIBLIYA

DIYOS

HAYOP

HESUS

ILANG

KING JAMES VERSION

LONGER-LASTING INSPIRATIONAL BATHROOM BOOK

MATAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with