PERA at karangyaan… maaaring maubos o ‘di mo madadala subalit ang karangalan na iginawad sa’yo dahil sa naiambag mong kabutihan sa iyong kapwa, kailanman nakadikit na sa iyong pangalan.
Gaya ng pagtanggap ng pagkilala sa Chairman at Chief Executive Officer ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) si Cristino L. Naguiat, Jr. dahil sa kanyang natatanging ‘visionary leadership’ sa nakaraang Meralco Luminaries Awards Night 2013 na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel noong ika-2 ng Abril 2014.
Ginawaran si Naguiat ng 2013 Special Luminary Award bilang pagkilala sa kanyang pagsisikap na itaguyod ang Pilipinas bilang susunod na international destination para sa gaming, entertainment at turismo sa pamamagitan ng Entertainment City Project.
Iginagawad ng Meralco ang nasabing parangal sa mga kasamahan nito na nagpamalas ng pamumunong strategic at gumawa ng mga proyektong nakatutulong sa nation-building.
Sa mga nakalipas na taon ang mga Special Luminary Awardees ay sina Authority Director General Lilia B. de Lima at retirado ng Philippine National Police General Nicanor Bartolome.
Taos-pusong nagpasalamat ang Chief ng PAGCOR sa pagpaparangal sa kanya bilang isang Special Luminary Awardee.
“Ang mga luminary awardees ay nakagawa ng mga makapag bagong-buhay na kalutasan at pagsulong sa kani-kanilang larangan. Lubos na ikinararangal ko ang pagkilalang ito. Isang payak na paalala ito na sa mabuting pagganap ng aming mga trabaho ay mas marami pa kaming magagawa at ang mga bunga nito ay nagbibigay ng inspirasyon,†aniya.
Sa ikatlong taon nito, ang Meralco Luminary Awards ay muling nagbigay ng parangal/pugay sa kanilang mga partner sa lokal na gobyerno, small and medium enterprises (SMes), insdustrial and corporate sectors.
Ayon kay Al Panlilio, Senior VP and Head Customer Retail Services and Corporate Marketing Communication ng Meralco, nagawa nilang ipamalas ang kanilang magandang partnership sa pribado at publikong sectors sa pamamagitan ng Luminaries Award. “Nais naming ibahagi sa ibang tao kung ano ang ginagawa namin sa aming mga key customers upang makatulong sa kanila, maari nilang i-adopt ang mga programang ito upang mapabuti ang kanilang business operations.â€
Binigyang diin ni Panlilio na karapat dapat si Naguiat sa komendasyon dahil ang proyekto’ng Entertainment City ng PAGCOR ay alinsunod sa vision of a brighter Philippines ng Meralco. “Sa aking palagay nais ni Chairman Naguiat na palaguin ang gaming business dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdala rito ng maraming turista.
Ibinahagi niya na sa malapit na pakikipagtulungan ng PAGCOR, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagbuo ng 1.2 bilyon na Meralco substation sa Entertainment City.
Ang pasilidad ay magiging mahalaga sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng kuryente ng mga licensee.
“Nagsagawa kami ng maraming strategic planning at na obserbahan namin na ang kasalukuyang substation sa Pasay city ay hindi sapat upang matustusan ang pangangailangan ng Entertainment City para sa mga susunod na taon. Ang pinaka magandang paraan upang masigurado na ang power ay sapat ay magkaroon ng magandang quality at secure na mapagkukunan sa lugar,†paliwanag ni Panlilio.
Nagpakita ng pananabik ang Meralco Executive tungkol sa development sa Entertainment City.
“Sana mas marami pang turista ang bumisita sa bansa bilang ang proyekto ay alinsunod din sa target ng Department of Tourism na magdala pa ng mga turista sa bansa. Ito ay makakatulong sa pagdami ng kabuhayan para sa mga Pilipino,†wika ni Panlilio.
Bukod sa PAGCOR Chief, ginawaran din ng Luminary Award ang Quezon City para sa Local Government Category; ang Philippine Seven Corporation (operator 7-11 store) para sa Small and Medium Enterprises Category; PMTC, Inc. (manufacturer of tobacco brands tulad ng Phillip Moris) para sa Corporate Industrial Category; at ang Filinvest Development Corporation para sa Corporate Commercial Category.
Ayon kay Panlilio, ma-ingat ang pagpili ng mga internal panel sa mga awardee. “Upang ma-hirang sa Luminary Awards, ang aming mga kasosyo ay dapat magkaroon ng nobela at kawili-wiling paraan ng pag nenegosyo. Kung ang mga tao ay makakaranas ng mabilis na serbisyo at magkaroon ng mas mabilis na energy tranmisyon, mas magiging maganda ang pag unlad ng ekonomiya,†pagtatapos ni Panlilio.
(KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor, CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038.