“BAKIT ayaw mong sumagot, Gab? Nasaan si Sir Basil?†tanong ni Drew.
Pero bago nakasagot si Gab ay nakarinig si Drew nang pagbubukas ng pinto ng kuwarto.
“Narito ako Drew!†Si Basil at nakatayo sa may pintuan.
“Sir Basil! Akala ko po kung ano ang nangyari sa’yo kasi hindi kita nakikita.’’
Lumapit si Basil kina Drew at Gab.
“Talagang hindi ako luÂmaÂbas ng kuwarto at hiÂnaÂyaan ko kayong dalawa. Pero sinabihan ko na rin si Gab na patawarin ka na dahil alam ko naman na nagsisisi ka na.’’
“Salamat po.’’
“E di ayos na kayo?â€
“Ayos na po.’’
“Sige mag-usap na kayo at ako ay magluluto ng ating hapunan. Masarap na akong magluto ngayon. Dito ka kakain, Drew.’’
“Nakakahiya naman po.’’
“Huwag ka nang mahiya.’’
“Sige po. Maraming saÂlamat.’’
Umalis na si Basil at nagtungo sa kusina.
“Talaga bang pinagsabihan ka ng daddy mo na patawarin na ako.’’
“Oo. Unang araw pa lang, sinabi sa akin na kausapin na kita at patawarin. Pero nagmatigas ako. Sumunod na araw, sinabihan uli ako. Huwag daw masyadong matigas ang puso ko sa’yo. Hindi naman daw grabe ang ginawa mo at katunayan ay nagpakita na mahal na mahal mo ako. NaÂngako ako na kapag pupunta ka rito e makikipagbati na ako.â€
“E bakit tumakbo ka kanina nang buksan mo ang pinto?â€
“Te-arts ko lang ‘yun, he-he!â€
“E bakit ang tagal mo pang lumabas sa kuwarto at hinayaan mo pa akong maghintay dito sa salas. Nakatulog tuloy ako.’’
“Gusto kong makita kung gaano ka katiyaga at napaÂtunayan ko naman.’’
“Matiyaga talaga ako, Gab. Ang nagmamahal daw ay dapat matiyaga.’’
“Sana, hanggang wakas ay matiyaga ka Drew.’’
“Hanggang wakas, Gab.’’
“Sana rin, hindi seloso.’’
“Hindi na.’’
Nagkatinginan sila.
“Puwede kiss?â€
“Loko ka makita ka ni Daddy.’’
“Hindi!â€
Hinalikan ni Drew si Gab.
(Itutuloy)