Easter

MARAMING nagdiriwang ng Easter (Pasko ng Pagkabuhay) na hindi naman lubusang naiintindihan kung ano ang tunay na diwa nito, o kung ano ba talaga ang sini-celebrate.

Ipinagdiriwang kapag Easter ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. Sa Kanyang kamatayan, nakaangkla ang paniniwala nating mga Kristiyano. Hindi magiging buo ang ating paniniwala kung hindi namatay at muling nabuhay si Hesus. Pinatototohanan ng kamatayan at pagkabuhay ni Hesus na nagapi Niya ang kalaban at dahil dito, bayad na ang ating mga kasalanan. Dahil sa Kanya ay makakarating tayo sa Diyos Ama matapos natin siyang biguin sa kasalanan ni Eba at Adan.

Ang Easter ay pagdiriwang ng ating pagkilala sa ginawang sakripisyo ni Hesus para sa atin. Ito ay pagdiriwang sa pagkapanalo natin sa Kasamaan at panibagong buhay at pag-asa sa pagiging anak ng Diyos.

Narito ang ilang trivia tungkol sa selebrasyon ng Easter:

•  Sa Germany nagsimula ang paggamit ng kuneho. Simbolismo ng itlog ang bagong buhay at muling pagkabuhay.

• Pysanka ang tawag sa pagpipinta ng easter eggs. 

• Nasa 90 milyong eastern bunny chocolates ang ginagawa ng mga chocolate companies kada taon.

• Ang unang bahaging kinakain sa easter bunny chocolate ay taynga. Seventy five percent ng lahat ng kumakain nito ay sa taynga nagsisimula.

• Bukod sa mga tsokolateng hugis kuneho, ang susunod na uri ng matamis na patok kainin tuwing Easter ay Jelly Beans. Nasa 16 bilyon na Jelly Beans ang ginagawa ng US kada taon at ang pinakamabiling flavour ay Cherry.

• Ang tradition ng Easter egg ay nagsimula noong medieval period kung saan ang isang hard boiled egg na pinintahan ay pinagpapasa-pasahan ng mga miyembro ng choir at kapag tumawag na ng times up ang pari, kung sino ang may huling hawak into ang siyang magtatago ng itlog.

• Ang naitalang pinakamabigat na itlog, ayon sa Guinness Book of World Records (2011) ay nasa Italya at may timbang na mahigit apat na kilo! Gawa ito sa dark chocolate at marshmallow.

• Ang pinakamalaking easter egg naman ay naitala noong 2008 sa Portugal na may taas na 48 feet at diametrong 27 feet!

• Taglay ng itlog ang halos lahat ng nutrients o sustansiyang kailangan ng tao.

Show comments